Luna's POV
I was going about to go home matapos ng nangyari kanina, ng maisipan kong bisitahin ang bar na dahilan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas at tignan kung ano na ang kundisyon nito ngayon.
Naisipan ko ring uminom kahit konti para makalimutan din kahit sandali ang nangyari kanina.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako at hinang hina.
Nangangatog ang mga tuhod kong pumasok sa bar kanina kaya siguro nabangga ako ng waiter at natapunan ng drinks.
Pero bago pa man ako tuluyang pumasok sa bar. Nakita ko si Martin na papaalis at bakas sa mukha ang pagaalala at lungkot.
Bigla na mamang rumehistro sa isip ko yung mga nangyari kanina sa mall.
Hindi ko aakalaing pagsasalitaan niya ako ng ganoon.
Masyadong masakit pero kung ako man ang nasa kalagayan niya, Maipagtatabuyan ko talaga yung taong nakalimutan ko na.
"Are you okay?" Tanong ni Alex dahilan para bumalik ako sa ulirat.
"A-ahh...yes, I'm o-okay." Tatango tango pang sagot ko at bigla namang sumigaw si Dale.
"Laro tayo guys! Truth or Dare!"
"Hindi ka pa ba nagsasawa diyan?" Inis na singhal naman ni Clinton sa kaniya.
"Tsk! Yan pa! Eh lagi namang natuturo yan ng bote. HAHAHAHAHA" pangaasar pa ni Chester kay Dale.
At nakitawa naman kami.
'Wala silang pinagbago...hahaha."
Sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan silang tumawa.
Nung mga high school pa kami, yun din ang nilalaro namin...hahaha.
Lagi kaming sama-sama na anim at kung minsan naman ay kasama namin si Ara.
"Oh sige na, paikutin niyo na yung bote." Pagpapatigil ko sa tawanan.
Agad naman tumango si Dale ng makarecover at tsaka pinaikot ang bote.
Tumama kay Alex yun at tumawa naman ng malakas si Dale.
"HAHAHAHAHAHAHAHA kung sino pa yung tahimik siya payung nauna! HAHAHAHAHAHA oh ano TRUTH OR DARE!?" Malakas na tanong ni Dale dahilan para bumungisngis ako.
"Lagot ka sakin mamaya, Dale." Pananakot naman ni Alex at ngumis lang naman si Dale. "Tsk! Truth!"
"Oh! Sinong magtatanong dito!?"
"Si Chester ang gusto kong magtanong sakin."
"Sabi ko sino, hindi ko sinabing pumili ka!"
"Opsss! Tama na! Sige na ako na ang magtatanong kay Mr. Genius" Parang napipilitan pang sagot ni Chester dahil baka magaway na yung dalawa kapag hindi pa siya sumabat. "Ready ka na ba?" Natatawang tanong pa ni Chester at sininghalan lang siya ni Alex. "Sinong first love mo?" Deretsang tanong ni Chester at halata naman kay Alex na natigilan siya.
"K-kailagan p-pa bang i-itanong yan, pre?" Utal utal na tanong ni Alex at tinanguan naman siya ni Chester.
"Pucha! Ano to laglagan? Palitan mo yung tanong pre!" Sabat ni naman ni Dale at sinulyapan ko pa sila at halatang natigilan din sila sa tanong yun ni Chester.
"Sino nga ba?" Tanong ko with matching taas kilay pa at kita ko naman ang paglunok ni Alex na halatang kinakabahan. "C'mon guys! Tayo tayo lang naman yung nandito at tsaka sasabihin mo lang naman masama ba yun?" Pigil ang tawang tugon ko.
"H-hindi ba n-nakakahiya?" Utal utal na tanong na naman ni Alex at umiling naman ako.
"P-patay ka t-talaga s-sakin mamaya, C-chester." Dinig kong bulong ni pa ni Alex kay Chester at bumungisngis lang ang loko!
"S-si..."
"Si?" Tanong ko pa at napapalunok namang pumikit si Alex.
Taka akong pinagmasdan ang daliri niya ng ituro niya iyon sa akin!
"Tsk! 'Wag mo nga akong ituro. Sino ba kasi yung first love mo?" Seryoso ngunit pigil ang tawang sambit ko at imunulat naman niya ang mga mata niya.
Tinaasan ko pa siya ng kilay at bumuntong hininga naman siya ng napakalalim!
"I-ikaw kasi a-ang f-first l-love ko." Gumagaralgal ang tinig na sambit niya at natigilan naman ako.
"A-ako?" Gulat na tanong ko at inis naman siyang tinignan ako.
"O-oh eh s-sino pa n-nga ba? I-ikaw lang naman ang b-babae dito." Inis na usal niya at tumawa naman ako.
'Kalma na self...baka sumabog utak niyan 'pag ininis mo pa.'
Sabi ko sa isip ko at saka palihim pang natawa.
Nang makarecover ay pinaikot ko ang bote at sa akin naman tumama iyon.
"Truth." Deretsang sabi ko at saka ngumisi. "Si Chester din ang magtatanong sa'kin."
"Are you sure?" Nagaalinlangang tanong ni Chester at taka naman akong nilingon siya.
"May problema ba?"
"Nothing. It's just that I was shocked."
"Clock is ticking, time is running, Chester. Maya maya ay uuwi na rin ako at gusto kong maturo kayong lahat niyang bote na yan." Sabi ko sabay nguso pa sa bote. "So what is your question...Mr. Evangelista?"
"Same question Ms. Velirada...who is your first love." He said while directly look into my eyes. Napangiwi ako at mapaklang ngumiti.
"Tinatanong pa ba yan?" Sabi ko habang hindi ipinapahalata ang kalungkutan dahil kahit ano mang oras ay pwedeng pwede akong lumuha sa harap nila.
Bagay na ikinakahiya ko. Dahil gusto kong maging malakas sa paningin ng ibang tao.
Lagi kong isinasantabi ang kalungkutan sa baul na punong puno na. Sa baul kung saan nasa puso ko.
Feeling ko ang hina hina ko kapag umiiyak ako sa harap ng ibang tao.
Iniisip kong masyado akong mahina para sa maliit na bagay na iiyakan ko kahit ang halaga sa akin nun ay napakalaki.
Wala akong nakuhang sagot kay Chester kaya napagdesisyunan ko ng magsalita.
"Si Martin, siya ang first love ko." Sabi ko sabay tingala sa kisame upang pigilan ang pagtulo ng luhang namumuo sa mga mata ko. "Si Martin lang ang una't huli kong mamahalin."
"Did I heard my name." Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalitang yon.
Naramdaman ko na naman ang kirot na yun sa puso ko ng lingunin ko kung sino yung nagsalita.
Hindi na ko nagulat pa dahil alam ko kung kanino ang boses na yun.
Ngumiti ako ng mapait ng mapatingin sa sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
Love Together, Be With You Never (On-going)
Non-FictionWhat if one day...there's a traveler who went to a place where she could not enter, but another chance is given to her where she failed again to reach her destination. Is she going to give up? Or...she will continue to enter the place where she cann...