Dale's POV
"Oh ayan na pala si---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong inambaan ng suntok ni Martin kaya naman napapahiyang yumuko na lang ako habang pigil ang tawa!
"Tsk...manahimik ka nga Mr. Daldalero! Masama ang mood ko ngayon kaya huwag kang maingay!" Sigaw niya at napasinghal naman ako.
"Ayyy! May regla ka bro? HAHAHAHAHAAHAHAHA!" Pangaasar ko pa at binatukan naman niya ko!
"Sabing huwag kang maingay eh!" Sigaw niya at ulit at akmang babatukan ulit ako pero nakailag ako at saka nag peace sign sa kaniya.
"Oh nasan na yung tatlo?" Tanong niya na luminga linga pa sa paligid.
"Speaking! Ayan na sila oh!" Nakangiting sabi ko sabay turo sa entrance ng bar at napalingon naman siya dun.
"Oh kanina pa kayo dito?" Tanong ni Chester ng tuluyan na siyang makalapit samin.
"Ako, kararating ko lang." Sagot ni Martin at tumingin naman sakin si Chester at Alexander.
"Kanina pa ko dito! Naknampuchaaa! Yung nagyaya siya pa yung late!" Inis kunwaring sagot ko at tinawanan lang nila ko! "Tsk. Nakakatawa ba 'yun. Kanina pa ko dito! 30 minutes na poooo mgaaaaa serrrr!" Sigaw ko pa at tsaka ngumuso.
"T-tumahimik ka nga diyan, Dale! Ang ingay ingay mo talaga kahit kelan!" Banat na naman ni Martin at inis akong kumuha ng alak na kanina ko pa iniinom habang naghihintay sa kanila. "Bakit bigla ka naman yatang nagyaya, Chester? Ha!?" Tanong ni Martin kay Chester, at ngumiti naman ito ng nagpakalawak.
"Mmm..bonding." Nakangiting usal niya kaya naman natawa ako bigla!
"Tsk! Ang sabihin mo umalis si Yna, kaya niyaya mo tong lalaking to na kasalukuyang may regla!" Natatawang usal ko at tumingin naman sa'kin si Martin ng napakasama! "Teka! Teka! Nasan si Clinton!? Akala ko kasabay niyo siya!?" Nagtatakang tanong ko pero nagkibit balikat lang sila sa'kin.
"Susunod daw si Clinton. May inaayos lang daw siya kaya medyo malelate siya." Sagot naman ni Alexander na hindi ko napansin dahil ang tahimik.
"Andiyan ka pala Alex!? Hindi kita napansin! Ang tahimik mo kasi masyado eh!" Sabi ko sabay bungisngis...HAHAHAHAHAHAHA!
Sa aming lahat si Alexander ang pinakatimik at pinakamatalino sa Science!
Si Chester naman ang pinakagwapo at pinakamagaling sa English! Takte! Kung makipagdebate 'yan nung elementary halos dumugo na yung ilong ko at parang nasa korte kami at naglilitis ng kaso!
Si Martin naman ang pinakamasungit sa'min at ang pinakamagaling sa Math! Potekkk! Kung makapagcompute yan eh parang calculator! Dang galing!
Si Clinton naman ang pinakabadboy at babaero saming lima! Takot naman magkaroon ng girlfriend! Siya ang pinakamagaling saming mababae...HAHAHAHAHAHAHA! Pero ang totoo siya ang pinakamagaling samin sa Filipino at History! Yun yung pamingwit niya ng mga chicks! Yung mga malalalim at mabubulaklak na salita niya!
At ako...HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ang pinakamaingay at pinakamagaling sa elctronics! Hobby ko rin ang magimbento ng mga bagay bagay. Magaling rin ako sa Science peeo di nga lang sing galing ni Alexander.
Natigilan ako ng may maisip na isang bagay.
At yun ang iisang pagkakapareho pareho naming tatlo.
Iisa lang talaga ang pinagkapareho reho namin.
Napabuntong hininga ako sa naisip ko at tumingin na lamang sa kanila na parehas nagtatawanan.
Nahagip ng paningin ko si Martin, na tumatawa na ngayon.
'Napakaswerte mo, bro...hehehe. Ikaw yung minahal niya.'
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at alam kong pati sila ay nararamdaman din yun, maliban kay Martin.
Inalis ko ang paningin ko kay Martin at nahagip ng mga mata ko si Clinton na papasok sa entrance.
"Oyyyy! Andyan na yung isa!" Baling ko sa kanila at tumigil naman sila sa paguusap saka lumingon sa entrance.
Nakangising lumapit samin si Clinton at may sout na nakakalokong ngiti sa mukha.
"Sorry guys I'm late. Alam niyo naman...HAHAHAHAHAHAHA!" Sabi niya at tumawa ng napakalakas. Isa pa tong maingay eh...HAHAHAHAHAHAHAHAHA.
"O siya! Umorder na tayo! Nagugutom na ko! Waiter!" Sigaw ko at lumapit naman samin ang waiter at kinuha ang order namin.
Ilang sandali pa ay dumating na yung orader namin at nagsimula naman na kaming maginuman habang kumakain sabay kwentuhan.
Natigil lang ang kwentuhan namin ng magpaalam yung dalawa.
"Teka lang. Cr lang ako." Paalam ni Martin at tumango naman kami.
Pagkaalis ni Martin ay saka nagpaalam si Chester.
"Excuse me. Sagutin ko lang to." Sabi niya at tulad kanina kay Martin, tumango lang din kami.
"Psttt! Dale!" Tawag sakin ni Clinton at nilingon ko naman siya. Napalingon din si Alex sa kaniya at nagulat pa kami ng bumuntong hininga siya!
"Nabalitaan kong nakauwi na si Luna dito sa Pilipinas." Napapabuntong hininga niyang usal at mas gulat kaming napatingin sa kaniya. "Gusto ko siyang makita pero hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya." Malungkot na dagdag niya at sabay pa kaming napabuntong hininga ni Alex.
Magsasalita na sana ako ng may magsakila sa likod ko!
"Oh anong pinaguusapan niyo?" Takang tanong ni Martin na bigla na lang sumulpot kaya gulat naming nilingon siya.
"A-ahhh...w-wala. Upo ka na. Si Chester nasa labas may kausap." Sabi ni Alex at tango lang ang tanging naisagot ni Martin sa kaniya.
Maya maya pa ay dumating na si Chester at nagtuloy kami sa paguusap.
Maya maya pa biglang may tumong na phone at inilabas naman ni Martin ang cellphone niya.
"Sino yan?" Tanong ni Clinton at napagsinghal naman si Martin
"Si Chelsea." Sabi niya sabay buntong hininga.
"Anong meron kay Chelsea?" Takang tanong naman ni Alex kay Martin na nasa lamesa ang tingin.
"Nagtext siya at pinapauwi na ko. Naaawa ako sa kapatid ko kasi napapadalas na ang pagiyak niya." Malungkot na saad ni Martin habang nakatingin pa rin sa lamesa. "Laging niyang idinadahilan ang isang babae na hindi ko naman kilala."
"Ano raw bang pangalan ng babae?" Tanong ko at nilingon naman niya ako.
"Luna raw eh. Luna raw ang pangalan." Sambit niya at gulat naman kaming tinignan siya!
Ramdam ko ang mga mata ng kaibigan ko na gulat na nakatingin sa kaniya.
"Uwi na ko. Kakausapin ko pa si Chelsea. Mauna na ko sa inyo. Ingat." Paalam niya at tumayo saka dere deretsong lumabas.
Naramdaman ko naman ang mabibigat na buntong hininga nila Chester, Alex at Clinton, dahil sa hindi inaasahang babanggitin ni Martin ang pangalan ni Luna.
Iisa lang ang alam ko kung bakit nakaramdam sila ng ganoon---kasama na ako!
BINABASA MO ANG
Love Together, Be With You Never (On-going)
Non-FictionWhat if one day...there's a traveler who went to a place where she could not enter, but another chance is given to her where she failed again to reach her destination. Is she going to give up? Or...she will continue to enter the place where she cann...