Luna's POV
Nakita ko na namang ngumiti si Lolo.
May konting awang ang pintuan ng lumabas ako. Babalik sana ako sa loob ng makita ko siyang nakangiti sa harap ng screen ng cellphone niya.
Nagtago naman ako agad ng makita ko siyang tumayo at kunin ang brief case niya.
Agad namuo ang luha sa mga mata ko ng makita ko siyang ngumiti. Alam ko ang dahilan non.
At sa tinagal tagal ko ng namamalagi sa piling nila---sa piling nina mama, papa at lolo, ni hindi ko silang nakitang ngumiti ng dahil sakin.
Ngumingiti lang siya o sila kapag apo at anak na nila ang pinaguusapan. Hindi ako kundi yung totoo nilang anak at apo.
Yes, ampon lang ako ng pamilyang 'to, pero wala akong pakielam don.
Ang mahalaga sa akin ay binuhay nila ako, pinakain at...di ko sure kung minahal ba nila ako at tinuring bilang isang tunay na anak.
Kilala ko ang tunay nilang anak at apo, pero hindi nila alam na alam ko ang bagay na iyon.
Ito na yata ang pinakamaling desisyon ko sa buhay.
At yon ay ang sumama sa kanila.
Akala ko makakatakas na ko sa magulo at mahirap kong buhay...pero hindi pa pala. Mas lalo nila iyong pinagulo at pinahirap.
Narinig ko na ang pagandar ng kotse ni lolo at napagdesisyunan ko na ring bumaba at umalis.
Pagbaba ko ay nagpaalam lang ako sa mga kasambahay at tuluyan ng umalis.
Sumakay na ko ng kotse at nagsimula na ring magdrive.
Umagos na naman ang luha sa mga mata kong...hindi naman yata napapagod tong mga mata kong umiyak.
Bagong hinanakit, lungkot at poot na naman ang bumabalot sa puso ko.
Wala ng natira sakin. Inagaw mo ng lahat. Mas mabuti pang mamatay na lang ako, kesa panoorin kang patuloy na agawin ang mga natitirang tao na patuloy pa ring nagmamahal sa'kin.
Pagkatapos kong sabihin sa utak ko lahat ng yon, ay pinaharurot ko ang kotse.
At kung sinuswerte ka nga naman. Natupad yung kahilingan ko.
May truck na paparating at sa isang iglap, nandilim ang paligid ko.
BINABASA MO ANG
Love Together, Be With You Never (On-going)
Literatura faktuWhat if one day...there's a traveler who went to a place where she could not enter, but another chance is given to her where she failed again to reach her destination. Is she going to give up? Or...she will continue to enter the place where she cann...