CHAPTER 2

23 10 1
                                    

Someone's POV

'Luna Amethyst Nyctophile Velirada. Kawawang babae...hahaha. Hindi ko aakalaing mas magiging emotional ka pa pala sa iniisip ko.'

Nakangising sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan siyang umiyak 'di kalayuan sa'kin.

Nawala ang paningin ko sa kaniya ng magvibrate ang cellphone ko. Sinagot ko iyon ng nakangiti.

"Hi DJ! Guess what...Hahaha. Nagkita sila." Tuwang tuwa sabi ko kay DJ.

"Oh really? That's a great news! So anong nangyari." Sabi ni DJ sa kabilang linya.

"Umiyak ang lola mo...Hahaha. Sinigawan kasi siya." Nakangiting usal ko at tumingin ulit kay Luna.

"Oh! Poor Girl. Masyado kasing ipinagpipilitan 'yung sarili niya eh. 'Yan ang napapala ng isang Luna Velirada. I'm sure magiiyak iyak na naman 'yan." Naawang tinig niya pero alam kong sarkastiko iyon.

"Ganun na nga. Oh siya na! Babye ingat sa flight bes! Mwuah!" Pagpapaalam ko dito.

"Okay. Salamat sa balita...hahaha." Sabi niya at ibinaba ang telepono.

Tumingin pa ko ulit kay Luna na hindi matigil sa pagiyak at tsaka tuluyan ng umalis.

Ara's POV

Nagulat na lang ako wala na si Luna sa tabi ko ng kumanta ng yung music hero band. Tsk! Kahit kelan talaga yung babaeng yun.

Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko pero wala siya! Lumingon din ako sa harap at likod ko wala rin siya. Luminga linga pa ako sa paligid pero masyadong maraming tao kaya napagdesisyunan kong umalis na.

Iginala ko pa ang paniningin ko ng tuluyan na kong makalabas sa napakaraming tao.

Pagkalingon ko sa labas ng mall ay nakita ko si Luna na nakatayo at pinagpipiyestahan ng mga tao.

Dali dali akong tumakbo papunta sa kaniya at hinawi ang mga taong nakaharang.

Nang marating ko ang kinaroroonan niya ay napako ako sa isang tabi at rinig ko ang kaniyang paghikbi.

"L-luna." Sabi ko at saka lumapit sa kaniya at niyakap siya.

Ramdam ko ang nanginginig niyang mga kamay kaya naman hinagod ko ang likod niya para kahit papaano ay mahimasmasan siya.

"A-ara...nakita ko s-siya." Gumagaralgal ang tinig na sabi niya at nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"S-sino namang n-nakita mo?" Takang tanong ko at naramdaman kong inilayo niya na ang katawan sa akin at sinimulang punasan ang mga luha niya.

Namumugto na ang mga mata niya at halatang kanina pa siya umiiyak dahil sa pagsinghot singhot niya.

"S-si M-martin, n-nakita ko s-siya." Aniya at nagulat naman ako sa sinabi niyang 'yun.

"Matagal ng p-patay si M-martin, L-luna." Utal kong sagot at nagsimula na namang umagos ang luha sa mga mata niya. "Two years na ang nakakalipas. O-oo, m-mahirap tanggapin pero s-sana naman isipin mo yang sarili mo. Ilang araw ka ring hindi n-nakakain noon nung malaman mong p-patay na siya. Kaya h-hinihiling ko na s-sana...h-huwag ng maulit 'yun." Napapabuntong hiningang usal ko pa at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Kita ko ang pamumula ng mga ito kahit gabi na.

Totoo ang mga sinabi ko, hindi siya kumain ng ilang araw ng malaman niyang patay na si Martin. Sinisi niya ang sarili niya dahil siya ang huling kasama ni Martin at siya ang nagmamaneho ng kotse na ginamit nila papunta sanang airport para magbakasyon.

"Nakita ko talaga siya Ara! Hindi ako pwedeng magkamali! Nakausap ko pa siya!" Pagpupumilit niya at iiling iling naman akong bumubuntong hininga.

"Umuwi na tayo. Mahamog na oh! Hindi pwede sayo ang mahamugan. Kalimutan mo na kung sino yung nakita mo, dahil p-patay na siya." Sabi ko at saka inalalayan siyang pumunta ng parking. Nakatulala lang siya habang tinatahak ang daan at mukhang malalim ang iniisip niya.

Hindi ko na siya kinausap at inalalayan pa siyang makapunta sa kotse niya.

"T-thank y-you, Ara." Nakangiting usal niya ng makasakay na siya sa kotse niya at ngumiti na lang din ako saka isinara na ang pinto ng kotse niya.

Nag-start na ang makina ng kotse niya kaya naman pumunta na rin ako sa kotse ko at nagsimula ng magdrive.

Love Together, Be With You Never (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon