Chapter 26

1 0 0
                                    

Esthrene's POV

Our sembreak passed, ngayon umpisa na naman ang pagsusunog ng kilay para sa pag-aaral. Napa-buntong hininga ako at binitawan ang hawak kong Chemistry book. Napalingon saakin si Nate habang nagtitipa parin sakanyang Macbook.

"What's wrong? Are you hungry?" Ngumuso ako at umiling lamang. Pero sinuway ako ng sarili kong katawan dahil biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko. Ngumiwi ako at nahihiyang tumingin kay Nate, he chuckled and close his Macbook before he stand up.

"Wait me here, i'll buy you snacks." Umiling ako, nababaliw na ba siya?

"No! Bawal ang kumain sa library! Sabi ko sabay sulyap sa poster na 'Foods are not allowed' . He just shrugged.

"Then punta tayong canteen." Umiling lamang ulit ako. Tinignan ko ang mga nakakalat na libro at yellow paper sa mesa namin. He sighed.

"Marami pa akong tatapusin."

"I'll help you---" i cut him off.

"No way! Marami ka rin ginagawa. No need, mamaya nalang ako kakain at tatapusin ko lang tong activity sa Chemistry.

"But it's already 12 pm. Wait me here i'll buy you foods." Walang pag-alinlangan siyang lumabas sa loob ng library. Napa-buntong hininga nalamang ako. Kapag iyon nahuli! Magco-community service pa ng wala sa oras.

Kinuha ko ulit ang aking Chemistry book at sinumulang basahin, nahihilo ako sa dami ng numbers at letra na nakikita, nguniwi ako. Wala akong maintindihan! Ang hirap mag-aral! Napipikon kong kinuha ang yellow paper at nagsimulang sumulat ng mga bullet types ng reviewer. Ini-highlight ko ang mga importanteng words na kailangan imemorized. Ilan sandali lamang ay dumating si Nate dala ang isang bagpack. Napa-iling ako, grabe paano siya nakalusot sa striktang librarian?

Pagka-upo ay inayos niya ang mga gamit naming dalawa. Itanabi niya ito sa gilid at kinuha ang mga pagkain na nasa loob ng bag. Sa unang tupperware mayroong kanin, sa ikalawa naman ay may adobo. Tapos mayroon ding menudo at chopseuy. May ding ripe mangoes at sa tumbler na mayroong four season na juice at mayroon ding tubig. Ang dami naman niyang dala!

"You eat first, tatakpan kita." Napailing ako sa kalokohan na naiisip niya. Habang kumakain ako ay palinga-linga naman siya sa paligid para hindi ako mahuli ng librarian. Parang may humaplos sa puso ko, i appreciate this little things of him. I smiled at him and murmured 'thank you'.

"That's nothing." He smiled.

Pagkatapos kong kumain, sinadya kong tirhan ng pagkain si Nate, kawawa naman kasi siya almost 12:30 na hindi pa siya nakakapag-lunch. Tumayo ako at tinapik ang braso niya. Tumingin siya saakin na may nagtatanong na mga mata.

"Ikaw naman ang kumain. Do you have an extra spoon and fork?" Umiling ito.

"Hala! Paano niyan? Hintayin mo ako dito, bibilhan kita---"

"I can use yours." Napamaang ako. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko at pati narin ang tenga! Para na siguro akong kamatis sa sobrang pula. Napansin niya iyon, he shifted his weight.

"A-yos lang naman.." sabi ko gamit ang mahina na boses. He swallowed hard and nodded. Umupo ako sa upuan niya at siya naman ang binantayan ko. Namamawis ang noo ko sa kaba kahit pa ang lakas ng aircon sa library.

"I'm done." He said.

Tinabi namin ang mga pinagkainan namin. Ng matapos ay bumalik kami sa pagre-review. Hindi ko mapigilan mapasulyap-sulyap sakanya. He was seriously typing on his Macbook, his eyebrow was furrowed, his jaw was very defined. Sobrang seryoso niya sa pag-aaral, ang swerte naman ng magulang neto. They have a multi-tasker son, kaya niya ipagsabay ang pag-aaral at career. Natigilan ako at nanigas sa kinauupuan ko ng bigla itong tumingin saakin. I swallowed and shifted my eyes to my books. Geez, that was so closed.

Makalipas ang tatlong oras ay natapos din kami sa mga ginagawa, nag-aya na siyang umalis. Sabay kaming lumabas ng library napapalingon ang mga studyante na naroon. Mayroong kumuha ng mga cellphone upang picturan si Nate. Geez muntik ko ng makalimutan na artista nga pala ang katabi kong ito.

"OMG ANG GWAPO NIYA TALAGA. LALO NA SA PEROSANAL."

"Oh my, bakit mas lalo ata siyang naging lean?"

"Ang gwapo takte."

"Shh. Guys calmn down nasa library tayo."

Napa-iling nalamang ako sa mga naririnig. Si Nate naman ay parang kamuwang-muwang sa mundo, ni hindi niya man ata naririnig na pinag-uusapan na siya!

"Let's go to mall." Gulat ko siyang tinignan.

"What?! Nakakalimutan mo na isa kang artista? Magkaka-issue ka kapag nakita ka nilang may kasamang babae!" Bumuntong hininga siya at nagkibit-balikat.

"Who cares? At least I will have an issue with the girl i love the most." Natahimik ako dahil nararamdaman ko na naman ang pamumula ko.

"Ano ba yan..." sabi ko sakanya sabay iling. He chuckled and messed my hair. Ngumuso ako at inayos ang nagulong buhok.

"Alright, I will wear a cap instead. You want that?" Kinakabahan man ay tumango nalang ako. Dahil wala naman ata siyang balak tumigil. Pagpunta sa parking lot, binuksan niya ang car door para saakin. I thank him before he goes to the driver seat. Mabilis kaming nakarating sa mall, hindi katulad kahapon na mabilis pa ang pagong kung umusad ang mga sasakyan.


Inayos ni Nate ang suot na cap at pinatong rin ang kanyang pure black na hoodie. Ang gwapo niyabg tignan! Pinamulahan ako ng mukha, tumikhim ako at binuksan ang pinto para makalabas na sa sasakyan.

"Showing ang IT part two ngayon, gusto mo bang panoorin?" My eyes twinkled and nodded. I like horror movies though.

"Hmm, okay lang." Sabi ko nalang.



Kinakabahan parin ako baka kasi mau makahalata na si 'Luhan'  siya. Pero mukhang wala naman nakakahalata masyado lang talaga akong paranoid. He bought two tickets for us, and also two large popcorn and soda. Pumwesto kami sa gitna dahil ayoko sa pinakadulo dahil masyadong malamig roon. Napatingin ako sa katabing babae ni Nate, ang puwesto kasi namin ay parang pinapagitnaan namin siya, titig na titig ito sakanya kinabahan ako, namukhaan niya ba si Nate?! Napalunok ako at kakalbitan na sana si Nate ng biglang.



"Hey, you're here too?"



Were doomed.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon