3

14 0 0
                                    

"Chi!" nadinig ko na namang tawag nya sakin. Hindi ako huminto ni lumingon.

"Akin na yung bag mo" nakangiti nyang sabi nang hinarangan nya ang daanan ko. Tiningnan ko lang sya at nilagpasan.

"Chi!" Habol nya ulit. "Ako na magdadala, baka nabibigatan ka na" alok nya sa pangalawang pagkakataon.

"Kaya kong dalhin ang mga gamit ko." sagot ko na nakatingin lang sa nilalakaran ko.

"Chi--"

"Pwede ba?! Lubuyan mo na ako!" sigaw ko na dahilan ng paghinto at pagtingin samin ng lahat ng

estudyante dito sa open ground ng school.

Hindi na ako nahihiya sa mga ganoong pagkakataon. Nasanay na ang lahat. Nasanay na sila sa paulit ulit

kong pagtulak sa kanya papalayo sakin.

Kahit nga mga magulang ko... mukhang nasanay na din.

"Buksan mo nga ang pinto Chi" nadinig kong utos ni Mama sakin.

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon