16

16 0 0
                                    

Nasa kalagitnaan na kami ng program nang tinanong ko na sina Mama at Papa.

"San ba si Dan?" nag aalala kong tanong sa kanila. Hindi na kasi ako mapakali eeeeh!!! Dapat andito na

syaaa! Hindi naman yun nale-late pag may celebrations lalo na at para pa sa kanya.

Nagtaka naman ang mga mukha nila nang biglang nasa stage na ang Mama ni Dan.

"Thank you everyone para sa pagpunta ninyo sa celebration ng anak kong si Dan. I'm so proud of him.

Hindi ko inaasahang gagraduate syang Summa cum laude sa kursong kinuha nya. Siguro nga... dahil sa

may inspirasyon sya." Tumingin naman sakin ang Mama nya at nginitian ako. "So in behalf of my son...

salamat sa pagparito nyo. My son is on board now papuntang Amerika para ipatuloy ang pagkuha nya

sa kursong abogasya..."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig yun.

A--merika???

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na ako saka lumabas. Nadinig ko pa silang tinawag ako pero

hindi ko muna pinansin yun. Dumiretso ako sa dalampasigan. Nadatnan kong papalubog na ang araw.

ASAAAAAAAR!!!

Kusang tumulo ang mga luha ko kaya napaupo nalang ako sa may buhangin.

"I HATE YOU Daniel Cambe!!!" umiiyak kong sigaw.

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon