15

3 0 0
                                    

Simula nung araw na yun.. hindi ko na sya nakita pa. Hindi na sya nag text para magparamdam man lang.

Napapadaan pa nga ako minsan sa mga classroom nya o kaya sa practice ng mga graduating students...

kaso wala sya.

Hindi ko naman maatim na magtanong sa mga magulang ko o sa mga kaibigan nya. Pero di ko na natago

sa sarili ko na nag aalala ako sa biglang pagkawala nya.

It was the night before his graduation, nang magkaroon na ako ng lakas ng loob na itanong kung san sya.

"Aatend po ba kayo sa graduation ni Dan?" pasimpleng tanong ko.

"Dan?" takang tanong ng Papa ko sakin. "Hindi pero pupunta tayo sa celebration bukas. Inimbita tayo ng

parents nya."

Tumango ako. So makikita ko sya bukas?

Hapon na ng makarating kami sa resthouse nila Dan, nang matapos ang graduation nya. Doon daw kasi

ang celebration. Parang weird nga lang kasi bakit di namin kasama si Dan on the way? Kasama namin

mama nya, pero sya wala. Sa kasunod naman na van, eh mga kamag anak nya. Pero sya,wala.

Nang makarating na kami, naupo na kami. Akala ko matagal pang mag sisimula kaso... wala pa sya,

nagsimula na ang program. Pwede ba yuuun?

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon