14

1 0 0
                                    

Sakto namang kumatok si Mama.

"Pinabibigay ni Dan oh" nakangiting sabi nya tsaka ako iniwan.

May flowers. May chocolates. At may dalawang nakagift wrap. Pagbukas dun sa isa, isang teddy bear na

may hawak hawak na hugis puso... kung saan nakasulat ang pangalan ko.

Kinuha ko naman yung mas maliit na parang box ang laman. Pag bukas ko... isang music box pala.

Ginawa naman nya akong bata. =.= Sinubukan ko itong patugtugin. Ang cute ng music... parang piano

lang... at may dalawang couple na nagsasayaw sa gitna ng box.

Pinakinggan ko lang ito, nang tignan ang bulaklak na pinadala nya.

May letter pang nakasipit dito. Ang sabi..

--I will love you until the last rose dies.--

Tinignan ko naman ang bouquet. At may napansin ako... ang isang rosas ay gawa sa plastic.

Hindi ko na talaga maintindihan kung manhid lang ba talaga sya at di sya nasasaktan sa pinagagawa ko...

o sadyang mahal lang talaga nya ako?

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon