5

9 0 0
                                    

"Chi!" nadinig kong tawag ni Papa.

"Matutulog na ako." sagot ko at tinuloy na ang pagpanhik sa taas.

Dan. Yan ang tawag sa kanya ng lahat, pati na din ako noon-- noong di pa nya inaaming may gusto

sya sakin. 1 year lng naman ang tanda nya sa akin at schoolmates kami noong highschool hanggang

ngayong kolehiyo na kami. 2rd year BSED student ako habang sya ay 3rd year na sa kursong BS in

Medical Technology or BSMT for short.

"Pag matalino pala talaga noh, bobo sa pag-ibig?" nadinig ko ang kaklase nya na nakikipag usap sa

kanya nang mapadaan ako sa tinatambayan nila. Hindi nga lang nila ako napansin kasi nasa likuran nila

ako dumaan.

"Oo nga! At ang LIVING PROOF ay si Daniel Cambe!" sabay tawa pa nila.

"Ikaw pa naman ang kaisa isang pwedeng maging Summa Cum laude. Antalino mo sana pre, pero bakit sa ganung babae ka pa nagkagusto? Sa isang... Rachelle Catorce?"

Wala naman talaga akong pakialam sa isasagot nya kaso andito na rin naman ako, pinakinggan ko nalang.

"Hindi ko din alam" natatawa pa nyang sagot sa kanila.

Di nya pala alam, eh bat hindi nya nalang ako tigilan?

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon