"Sorry, hintay ka lang. Puno na kadalasan eh" Sya kasi ang pumapara ng jeep para sakin. Ewaan ko ba
dyan, di ko inutusan, pero gusto daw nyang di ako mapagod. Kaya ako, eto... nakaupo sa waiting shed
habang hinihintay syang may mapahinto.
"Dan, kelan mo ba ititigil to?" mahina kong pagkakasabi ko. Akala ko pa, di nya narinig kaso sumagot sya.
"Pag di na kita mahal ^_^"
Imbes na kiligin ako tulad ng kadalasan sa nababasa ko... naawa ako sa kanya. Parang ako lang sya noon.
Yung tanga na ako sa ngalan ng pag ibig.
"Dan napakatanga mo" sabi ko.
"Hindi ako tanga Chi. Nagmamahal lang." May humintong jeep kaya tumayo na ako at sumakay.
Tinignan ko pa sya habang kumakaway. Ganyan sya palagi. Kaya minsan, nakikita ko na lang ang sarili
Kong nakangiti. Para kasi syang bata eh
Marami akong nagawa sa kanya... pero isa siguro sa pinakamasakit ay noong birthday party nya ng
nakaraang taon.
"Chi!" galit na ang Papa ko sakin.