"Hindi mo ko madadala sa ganyan Dan. Alam ko, LAHAT NG BAGAY MAY HANGGANAN. At mismong
ang paghihintay ng isang tao ay may hangganan. Kasi napapagod tayo." Kahit nga ako, sumuko na sa
kakahintay sa taong mamahalin ako.
"Chi... hindi ko alam kung anong nangyari at nasasabi mo yan. Oo may hangganan lahat pati na ang
paghihintay. Pero kung mahal mo talaga ang isang tao, makakaya mo. Mapagod ka man... balewala
rin yun. Kasi kung ang taong hinihintay mo ang tanging nagpapasaya sayo... mapapawi lahat ng pagod
mo sa kakahintay."
Ngumiti na naman sya... and promised.
"I swear, I'll never get tired of waiting for you. Cause you're worth the wait Chi. At kahit ipagtulakan mo ko... hinding hindi ko ititigil ang pagmamahal sayo."
"Wag mo na akong lokohin. Katulad ka din nila. Iiwan mo din ako." Totoo naman eh! Lahat nalang ng
minamahal ko, iniiwan akooo!
He held my hand at binitawan ang isa pang pangako.
"Hinding hindi kita iiwan Chi."
Akala ko, hanggang salita lang sya. Akala ko, magsasawa din sya. Kaso, ikatlong taon na ito ng
pagpapakatanga nya sakin. Ni minsan, hindi sya nagalit sakin. Ni minsan, hindi nya pinakitang nasasaktan
sya sa ginagawa ko. Ni minsan... hindi nya ikinahiya na mahal nya ang isang simpleng tulad ko.