Wow! Ang ganda naman dito! Isang lugar na punong puno ng Chocolates!! Siguro magandang itawag dito Diabetes Wondeland! hmmm... pwede ring Obesity Land!
Ang Ganda! May mga pretzel trees, Toblerone Mountains at Dewberry Farms! Sobrang Ganda talaga ng Lugar na to! Habang naglalakad ako at ineexplore itong paraisong to. May nakita akong tao dun sa may island sa gitna ng Milo River! Pinupuluputan siya ng ahas at umiiyak siya!
"Kailangan ko siyang iligtas!!"
Agad akong sumakay sa Ferrero Rocher Boat at dali daling tinahak ang island kung saan ko nakita yung taong pinupuluputan ng ahas!
Ng makarating ako sa island kung san ko nakita yung tao nakita kong damo na ang kintatayuan ko? Hala?! Asan yung mga Chocolates?!
"MWAHAHAHAHA" Isang evil Laugh ang narinig ko.
"Sino ka?! Anong ginawa mo sa paraiso!"
Patuloy ko pa ring naririnig yung nakakarinding tawa ng nilalang na yon hanggang sa naglabasan ang mga ahas sa may damuhan! Palapit sila ng palapit sakin kaya agad akong bumalik sa Ferrero Rocher Boat at nagbangka pabalik sa pinanggalingan ko pero huli na ang lahat..
"HINDI KA MAGTATAGUMPAY! BABAGSAK KA! MAWAWALA ANG PINAGHIRAPAN NG LAHAT!" sigaw nung nilalang at tuluyan ng natunaw yung mga chocolates at nilamon ako ng Milo River!
"Tulong!! Tulong!!"
"Maligo ka na!" Sagot ng isang pamilyar na boses
"Di mo ba nakikitang naliligo na ko ng Milo!?"
"Maligo ka na! Late ka na!!" at tuluyan na kong nilamon ng
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHH" Grabe ambilis ng tibok ng puso ko napaka weirdong panaginip naman, nakakatakot din phew!
Bumangon na ko ng kama at sinuot ang tsinelas ko at bumaba ng hagdanan, nakita ko si Alex na naka-uniform na! Ano ba yan ampayat. Hala wait? Anong oras na?!
"Hoy mokong 7:30 First Subject mo, 7:32 na"
"Hoy anong 7:30 ?! 8:30 pa! Nag-alarm ako no!"
BINABASA MO ANG
Birmingham Academy
Teen FictionBirmingham Academy, Isa sa mga pinakasikat na school dito sa pilipinas. Future Businessmans, Models, Heirs, Princes, and Princesses ang mga nagaaral dito. Most Especially, Ito ay isang Boarding School kaya kailangan mong tumira dito for the rest of...