Chapter 9: Knowing Birmingham

32 0 0
                                    


Nagising ako na sobrang sakit ng braso ko, pano ko napunta sa kwarto ko?


"Pare!? Gising ka na pala. Kinabahan kami sa'yo kanina!" Wika ni Chace, bakit ano bang nangyare?!

"Ano bang nangyare?" Tanong ko, habang pinipilit kong bumangon pero ansakit talaga ng braso ko.


"Easy lang pare! Wag mo ng pilitin bumangon, magpagaling ka lang muna dyan. May bumaril sa'yo kanina! Di namin alam kung sino pero may hinala kami na Dark Void yun, Inaasikaso na nila Bella yung ngyare." Sagot ni Chace, Dark Void?


"Anong Dark Void?"

Bumuntung hininiga muna si Chace bago magsalita "Isa silang gang na nangingidnap or pumapatay ng mga tagapagmana or mga mayayaman. Walang may alam kung bakit ba nila ginagawa yun. Ang mas nakakalito pa eh pag nangingidnap sila, hindi kindap for ransom, hindi sila nanghihingi ng bayad. Pinapatay nila diretcho"


Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Chace, So ang plano talaga nung bumaril sakin ay patayin ako? buti na lang dumaplis lang. 

"Yun talaga ang bungad niya sakin? Gusto niyang mapatay ako? psh. ah chace pwede bang wag mo na to ibalita kela Mama, buntis kase yun baka mag-alala pa.. iba pa naman yun." ayoko na talagang ipasabi sa kanila, ayoko ng mag-alala pa sila..

"Pero pare?! Dark Void yun! Hindi sila kung sino mang inaakala mong gang dyan sa kung san man. Iba sila! Mas mayayaman pa sila satin.. Matagal na yung huling kaso ng Dark Void dito sa Birmingham, akala namin di na sila babalik pero, nandito nanaman sila ulit, At yung huling kasong iniwan nila dito ay yung pagpatay nila kay Victoria Birmingham.. "

"Ano? Sila ang pumatay kay Victoria Birmingham? Akala ko nagpakamatay yun?" pagkagulat ko, ganun sila kasama? Ano bang gusto nila?!

"Oo pare, Hindi siya nagpakamatay.. yun na lang yung pinakalat para hindi na lumaki yung issue, kaya wag mong ipagwalang bahala yung nangyare sa'yo, sige di ko na sasabihin sa parents mo ang nangyare pero sana maging aware ka. Bye na muna pare, pahinga ka lang muna dyan" sagot ni Chace at lumabas na siya ng pintuan

Napaisip ako dun ah.. Ano kaya yung pakay ng mga Dark Void na yun? Dumadating pa talaga sa point na papatay sila.. At kung totoo mang sila ang may pakana ng pagbaril sakin? Balak din nila kong patayin.. pero bakit?

Habang nagiisip ako at namomroblema kung sino ba yang Dark Void na yan may pumasok sa loob ng Dorm.. 

"Mattheiu??! Ok ka lang?! Anong nangyare?! Sinong bumaril sa'yo??!!!" Agad na bungad niya pagpasok niya

"Oa mo naman pare? ok lang ako tibay tibay ko eh! Nagastos mo na ba yung 15k mo? yaman yaman mo na ang bigdeal na sayo nung 15k" sagot ko kay Alex, eh kase sila na nga may-ari ng school eh mayaman na siya..

"Alam mo... marami kang di alam sakin, pero hindi ako ang topic dito! ikaw? sino bang bumaril sayo?! buti daplis lang!? tsaka wag mo kong pinaglololoko! kung matibay ka di ka hihimatayin sa daplis ng bala!" wika ni Alex

"Yabang mo! Basta! di ko din alam! sabe nila Dark Void daw? Ano ba yun?" sagot ko sakanya na agad na pinagbago ng ekspresyon niya, malamang mattheiu?! yung Dark Void na yun yung pumatay sa kapatid niya!? ay wait kapatid nga ba niya?

"D-diba? sila yung pumatay kay Victoria Birmingham?..." 

Birmingham AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon