Chapter 7: My Welcome Party Part 2

38 1 0
                                    

.....Muntik ko ng madura yung Cupcake na kinakain ko! ano ba tong pinagsasasabi ni Bella? Medyo naturn off ako dun ah. Akala ko pa naman iba siya sa mga babae diyan.

        "Hahahaha! It's a joke Mattheiu! Don't take it seriously! Napakaseryoso mo kase kaya pinapagaan ko lang yung loob mo!" paglinaw ni Bella. Ahh! Yun naman pala hahaha! akala ko seryoso na siya eh.

Di naman sa ayaw ko sa kanya, balak ko nga siyang ligawan eh pero grabe naman yun kakakilala ko lang sa kanya nung Sunday! Oo na! Oo na! Alam ko naman na bihira na lang ang mga lalaking katulad ko. Hahaha! Gusto ko kase Challenging! Hinde yung Mag-aacrobat agad sa kwarto! 

        "Grabe ginulat mo ko Bella, Kakakilala lang natin nung Kahapon? Hahaha."

        "Pero sa totoo lang i want us to get to know each other more, if it's ok with you?" wika ni Bella

        "Yes! Gusto rin kitang makilala! Ay, I mean oo magandang ideya yan!" ooohh Mattheiu masyado kang naexcite! Self Control!

        "Sige uhm.. Mattheiu alis na ko. Kita na lang tayo bukas! May Firing tayong Subject bukas at katulad nga nung sinabi ko sayo nung una, you will see a different side of me sa Firing.. Bye" After niyang umalis hinalikan niya ko sa pisngi. Cloud 9 again!! Ugh.. The Feels on the bus go round and round, haaay..

Ok naman yung Flow ng Party ko. Lahat naman masasaya at mga party people talaga, pero inaantay ko yung Mr. Beautiful! Potek!? Ang tagal! Bukod kela Adrian at Chace. Inaabangan ko din talaga si Alex, Di ako makapaniwalang sasali pa siya dun eh napakayaman na niya! Aanhin nya pa yung 15k? pero may advantage siya ah! Payatot kase tska cute. 

wait whut? anong pinagsasasabi mo Mattheiu? 

Psh. Nakakabaliw nga mag-isa ! Hahanapin ko na nga lang sila Drew at Joshua! Asan na pala yung mga tukmol na yun? Nawala na lang bigla nung tumakbo ako ah!? 

Ok.. Hanap.. Hanap.. Hanap.. Ayun! Patakbo na sana ako papalapit sa kanila ng mabangga ako ng isang hinayupak na nilalang!? Abay Tokwa?! Walang harang yung dadaanan ko ah! Sadya yung bangga na yun ah!

        "Oy dude! Ayos ka lang?! Di ko naman kase alam na lampa pala ang Chocolate Prince! Hahaha" wika nung bumangga saken! aba langya to ah! "OOOOHHH BURN" Nagreact naman yung kasama niyang mukang tubol!? Malaking Lokohan kung superior yan! eh mukang binugbog!

       

        "Anong problema niyo pare?!" banta ko nung nakatayo na ko ng maayos medyo namumukaan ko siya? ah lam ko na! siya yung ang lakas ng loob magbrief sa may elevator!

Birmingham AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon