Prologue

69 0 0
                                    

"Magta-transfer ka talaga Pre? Nakakainis ka naman eh ! Mamimiss kita!" wika ng bestfriend kong si Drew na nababading na habang naghahanap kami ng mauupuan dito sa cafeteria.

"Ayoko naman talaga pre eh, pero wala akong Choice!"

Nakakalungkot lang talaga na lilipat na ko ng school, Halos ilang taon din ako sa school na to ! Akala ko dalawang Loyalty Award na makukuha ko, Sayang, 4th year na sana ako next year dito. Wala naman akong palag dun sa Step-Father ko.

"Naku Pre! Wag mo kong kakalimutan ha?! tska di mo pa nababanggit sakin kung san ka lilipat ! Pasabi sabi ka na lilipat ka, di mo naman sinasabi kung anong school !" sumbat ni Drew. Di ko pa kasi nasasabi sa kanya kung saang school ako lilipat, Wala talaga akong pinagsasabihan pero siyempre bukod sa bestfriend ko.

Lumapit ako sa kanya at bumulong sakanya "Sa Birmingham Academy...."

"ANO?!!" sigaw ni Drew

"Makareact ka naman pre?!! Eh kase nga diba ?! Dun grumaduate yung step-erpat ko! Gusto niya ko dun grumaduate ng highschool para masundan ko yapak niya at malaman ko lahat tungkol sa negosyo niya, Hayst ! Ako na talaga ang dakilang tagapagmana!"

Nung namatay yung totoo kong tatay 5 years ago. Dumating na si Tito Gab sa buhay namin, Siya na yung nagtaguyod samin at ayun nagulat na lang ako nagpakasal sila ni Mama, eh di na sila magkaanak kase may sakit si Mama, ako lang ang nagiisang anak ng nanay ko kaya ano pa nga ba?! Wala ng choice kung hindi sakin ipasa yung kumpanya ni Tito Gab!

"Hayop ka pre!! Bigtime ka na nga kase yung bago mong tatay ay walang iba kundi si Mr. Gabby Cadiff! May-ari ng Cardiff's Chocolate Company! Galing sa mga ninuno ng unang nakagawa ng Chocolate sa Pilipinas! at ikaw! Ang Step-Son ! Mr. Mattheiu Sebastian Cardiff! --" Di ko na siya pinagpatuloy magsalita dahil pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Oo na!! Oo na!! Wag mo ng i-remind saken! Pero ako pa din si Mattheiu Derry, Di ko pa din gagamitin yang Cardiff na yan noh ! Tunog pa lang nakakastress na!! Derry pa rin gagamitin ko! "

Mas napili kong gamitin pa din yung apelyido ngtotoo kong tatay kesa gamitin yung apelyido ni Tito Gab! Magiging gulo pa yan! sa totoo lang, si Drew pa lang ang nakakaalam ng mga nangyayare saken ngayon, Di ko pinagsasabi. Sabi nga ni Drew eh karapatdapat ko daw yun ipagmalaki, pero hindi no!! Magugulo lang buhay ko!

"So anong plano mo Pre? Boarding School yon! At di lang yon ah ! Magdodorm ka pa! And most especially! Takot ka mag-isa!! HAHAHAHA " sabi ni Drew

"Anong Takot?! Sapakin kita dyan eh! Kaya ko no! Wag lang papatayin yung ilaw..."

Takot kase ako sa Dilim. Eh kahit anong pilit kong malagpasan yon eh di matanggal eh, Secret ko yon, Nakakahiya naman kase! kwento mo sa mga chix dyan na takot ka sa dilim aba? baka makasungkit ka pa! turn-off yon!

"ulul ! ! Boarding School yun Pre! Wala ako dun para gabayan ka at damayan ka! Maraming Multo don!! Jusko!! Baka ma-meet mo pa yung Anak ng may-ari non na namatay! yung nagpakamatay na si Victoria Birmingham!!!! Hala ka pre!!! " Wika ni Drew

"Gago ! Wag kang manakot dyan!! Oo na! Mamimisskitang kupal ka!" Sabay yakap ko sakanya "Mag-iingat ka ditoah gumamit ka ng condom"

"Tarantado! Magiingat ka rin don!! Gumamit ka rin ng Condom! Mamimiss kita Pre!! Pag weekends gala tayo ah text mo ko !! kaya mo yan! Bagay ko don ! Bukod sa yumaman ka na! Gwapo ka din ! takot lang sa multo AHHAHAHA!!" Tinulak ko si Drew

"Ulul!! Oo kaya ko to !! Ako pa!"

Birmingham AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon