CHAPTER 4 - F. R. I. E. N. D. S.

87 2 0
                                    

CHAPTER 4

"Girl, did you do your homework?" Tanong ni Nisha.

Si Nisha ay ang kanyang best friend since grade school at kumukuha ito ng Accountancy. Though she's not as attractive as Sandra, she has that sex appeal that guys cannot ignore. Silang dalawa ay parehong mahilig sa music kaya nga't kasali sila sa Musika Teatro, an organization that teaches and hones students with their talent in singing, dancing and theater acting.

"Of course, when did I not."

"Oh, bakit parang wala ka sa mood ngayon? Nag.away na naman ba kayo ng Papa mo?"

"Wow, good guess." She ironically answered.

"Para bang hindi ko na kabisado ang pagmumukhang yan. Ang hirap talaga maging anak mayaman noh?" Asar nito sa kanya.

"Shut up." Pagputol niya dito. "Teka, nakuha mo na ba yung bagong composition ni Cassy?"

"Yes, approval mo nalang at ni Mr. dela Cerna."

"Patingin nga." Inabot naman sa kanya ni Nisha ang mga compositions. "Ganda nito."

"Cassy does it best." Dagdag ni Nisha. "Teka, si Philip ba yung nakita kong kausap mo? Nakita ko kayo kanina at mukhang seryoso kayo sa pinag-uusapan niyo ah. Sinagot mo na ba?" Kinikilig na tanong nito.

"Loka-loka."

"Come on!" She prodded, "Why don't you give the guy a chance? Hindi mo naman alam kung ano ang magiging kahihinatnan kung hindi mo susubukan diba?"

"Nish."

"Leave the past behind Sands. Kung para talaga kayo ni Aaron sa isa't-isa, kahit ano pa ang humarang sa inyong dalawa, kayo pa rin sa huli!" Pangangatwiran ng kaibigan.

"Hindi naman dahil kay Aaron." Depensa ni Sandra.

"Eh kung hindi dahil sa kanya, kanino?"

"Wala. Basta ayoko lang. Tsaka kung magkakagusto man ako kay Philip, hindi ko naman itatago yun eh. It just happened na wala talaga." Sagot niya. Medyo nabigla naman si Nisha sa tono ng kaibigan.

"Hays, okay. Sinabi mo eh." Flipping a page of her book. "Sayang naman si Phil, kung saken siya nanligaw pinakasalan ko na siya kinabukasan. Ang gwapo kaya! Yummmmmyyyyyyy!"

"Edi ligawan mo. Hayaan mo't sasabihin ko sa kanyang sagutin ka." Sandra smirked.

"Gaga!!" Smacking Sandra's arm, "Turuan mo nalang nga ako sa project ko. Paano ko ba to sisimulan?"

**************

"Hindi ko alam sa iba Sands pero para saken, ok naman kung yung Clarity ni Zedd ang opening number ninyo." Pagsasang-ayon ni Paul. "The intro should lighten up the vibe and a good house music matches it." Naglalakad sila sa school terrace habang naghahanap ng magandang spot para tambayan.

Si Paul ay naging kaibigan niya noong high school. Ang kuya nitong si Patrick at ate ni Sandra ay magkakabarkada rin noong kabataan kaya't napasa na rin ang pagkakaibigang ito sa kanilang mga bunsong kapatid. They never had a deeper relationship than being just friends kaya't mas lalo pa silang naging malapit when they entered college and taking up the same course.

They're like siblings from another mother.

"Okay shoot. Eto na talaga." At nagpatuloy si Sandra sa pagsusulat sa kanyang program brochure. "Kamusta ang calculus?"

"I got 1.5." Ngiti nito sa kaibigan. "Ikaw?"

"Huwag na, madi-disappoint ka lang sa estudyante mo." She murmured.

"Ngayon ka pa ba mahihiya saken? Eh mas nakakahiya yung Philo ko ah, halos singko." he chortled.

Sandra laughed. "Eh hindi mo kasi pinag-aaralan. Eh ako, pinupuyatan ko pero wala pa rin."

"Puyat ka nga pero dahil sa paghahanda para sa event sa Sabado." Balos naman ni Paul.

"This week lang yan pagkatapos pahinga na muna. I need to concentrate sa calculus kung ayaw ko lumagpak." She said while reviewing her add-ons sa brochure. "Oo nga pala, eto yung grade ko." Sabay abot sa isang strip ng papel kay Paul. "3.5. Okay Paul, bobo na ako."

"Pssssh. Mahirap naman talaga ang Calculus and the fact na si Mr. Bonares ang prof natin eh, parang gusto tayong maglaslas araw-araw."

"I'm starting to think that Papa was right all along." And laid her head on the wooden oak table.

"Hey, hey." Nudging her. "Don't say that. Calculus lang yan tsaka midterms pa lang ah. Tsaka isipin mo nga, makakaabot ka ba ng third year kung hindi ka-"

"Stop with all those encouragements Paul, you know that doesn't work."

"Sands, students normally go through what they call 'critical point', but it's the challenge there. What would you do next time to get better marks? Learning from your mistakes, right?" He said, resting his face on his one arm leaning on the table. "Tsaka don't let your father's words put you down. Like what they are, they're just words."

"But it can cut you deep through your soul." Raising her head.

"Then don't let it sink in." Ngiti niya dito at inakbayan ang kaibigan. "Ano pa't naging inspirational speaker ako sa council. Let my words empower you before anybody else. And yeah, I'll be here to stay up late with you."

"And you're using that to your advantage." She playfully scowled at him.

"Ano pa't naging kaibigan mo ako. Tsaka isipin mo nalang ang Philo ko, very inspiring." He snickered.

"Sira!" Palo niya sa braso nito, "Thank you Paul I love you! Pakiss naman!"

"Mamaya na, baka sabihin nilang PDA tayo." Tatawa-tawa nitong sagot.

Dancing with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon