CHAPTER 12 - I Trust You?

43 1 0
                                        



CHAPTER 12

Everything is still blurred in her mind. The sudden misfortunes befallen her family, the things that Trenton disclosed to her and the truth behind her identity. She is badly grieving, but she needs to straighten herself up and cope up fast. Hindi siya makatulog at patuloy pa ring naghahanap ng mga kasagutan ang kanyang nalilitong isip.

"Sweep? May problema ka ba?" Tanong ni Trenton sa kanya.

"Oo. Ikaw!" Scowling at him.

Pagkatapos ng mga pangyayari sa hapagkainan kanina ay hindi kinikibuan ni Sandra ang binata sa kadahilanang hindi siya nito pinakawalan kahit natapos na siyang kumain. He just left her there for an hour, blood searing in extreme annoyance that if looks can kill, he might have been butchered into thin strips of meat.

Anong akala niya saken, aso na poposasan niya kung kailan niya gusto? Shithead bastard.

Bahagyang ngumiti ang binata sa pagsusuplada nito sa kanya. "Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon, pero kailangan na nating kumilos agad."

"Kumilos agad?" Pagtataka nito.

"Sa tingin ko ay hindi na ligtas para sayo kung magtatagal ka pa dito." Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Trenton.

"Hindi. Babalik ako sa amin." Kontra ni Sandra.

"You really don't know what you're saying, do you?"

"I can't let them get into my way. Nakuha na nila ang lahat, ano pa ba ang mawawala?"

"Buhay mo." Trenton pointed out. "Can't you see??!! They killed your family because they want you!"

Because of me. True enough, I can't be less guilty of it. Feels like I wanna kill myself now for being the culprit of their early departure in this world.

Napansin naman ni Trenton ang pagbabago ng mukha nito. "I mean, they need you to get to Alexander. Huwag mong sayangin ang pagkakataong binigay sayo noong nakatakas ka nang gabing iyon."

"Nakatakas ako nang dahil kay Papa."

"Exactly! At kung mahuhuli ka nila ngayon, parang binalewala mo lang ang pagkamatay nila." Pangangatwiran ni Trenton.

Doble pala ang sakit kapag nanggaling sa ibang tao ang totoo. Parang tinaga ka ng sampung beses sa tagiliran.

"Anak ka ni Alexander, at matagal na rin nilang hinahanap ang taong to. Kung hindi nila ito mapapalabas sa kanyang lungga, maghahanap sila ng isang mas malakas na pa-in para sa kanya... At ikaw iyon."

"Sino ba ang mga taong to?"

"Hindi ko alam, pero sa nakikita ko, yun rin ang mga taong gustong balikan ang tatay mo."

"Sa anong dahilan??!!"

Napabuntong-hininga naman si Trenton. "That we have to find out."

"Hindi ko na alam kung ano ang iisipin!" Cupping her face, vexed with all the tension burning inside her. "Si Alexander ang may atraso sa kanila, hindi ang pamilya ko!" Her throat burning, preventing her tears from coming out of her eyes.

"Sa ngayon ay wala kang magagawa kundi ang umalis sa lugar na to. Malamang hinahanap ka na nila at hindi rin malayo na bukas o makalawa ay mahahanap nila kung saan ka nagtatago."

"Saan ba ako pupunta?"

"Los Angeles."

Are you dead serious??!!

*********************************

It's 9 am in the sunny morning at nakahanda na siya sa pag-alis ng bansa. Bago pumunta sa airport ay dumaan sila sa Greenhills para silipin ang lamay ng kanyang pamilya, ngunit hindi na sila nakapasok dahil sa higpit ng seguridad sa buong lugar. It must be because she is reported missing and she may be the primary suspect of the murder, she guessed.

Dancing with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon