CHAPTER 14 - Predator-in-Charge

41 1 0
                                    


CHAPTER 14

Daily chores, check.

Grocery, check.

Laundry, check.

Monthly bills, check.

"Let's go?" Tawag ng binata sa kanya habang nagmumuni-muni sa mga kailangang asikasuhin sa kanilang bagong bahay.

"Sige, susunod ako." Finalizing her list. "Trent, tingin ko maganda kung maglagay ka ng office table sa kwarto mo."

"Okay naman yung coffee table ko doon ah." Sagot nito. "Talagang ninanamnam na ang pagiging isang responsableng asawa ah, concern na concern." Asar nito sa dalaga.

"I realize that you're better when you don't talk too much."

Pagkatapos ng dalawang linggo sa pag-aadjust at pagiging pamilyar sa kanilang bagong buhay sa California ay inayos na rin ni Trenton ang pagpasok ni Sandra sa kanyang bagong eskwelahan habang siya naman ay nakahanap na rin ng trabaho sa isang architectural firm na hindi rin gaanong malayo sa pinapasukan ng dalaga.

Eastern University is composed of a 20-acre body of land filled with at least 17,000 students. Maraming buildings ang nakapaligid sa buong campus kaya't kung hindi mo kabisado ang lugar ay talagang mawawala ka. Maraming pasilidad ang nakatayo dito tulad ng swimming pool, gymnasium, botanical garden, soccer field, basketball court, tennis court, malalaking audio visual halls, amphitheaters, at iba pa na nakalaan para sa maraming aktibidad ng mga estudyante.

"Really Trent, bakit dito pa?"

"I know you used to live superfluously, so instead of complaining you should thank me." He said while parking their car in the almost full-packed student parking lot.

"Tigilan mo nga ako. Sige na, kaya ko na to pwede mo na akong iwan." Pagtataboy niya dito nang bumaba siya sa kotse.

"Sasamahan kita."

"What?!!!"

"You heard me. Hindi ka marunong magsinungaling so sasamahan muna kita." He winked and closed the car door behind him.

"Insulto yun o compliment?" At mabilis na inirapan ang binata.

"Either way. Halika na."

Mas malaki ang campus sa loob at makikita ang medieval architecture nito, a sign that it was built a hundred years ago or more. Pagpasok nila sa hallway ay tahimik na ang campus dahil nagsisimula na ang mga klase sa bawat classroom. It's the last week of August kaya naman ay dalawang linggo nang nagsisimula ang mga klase.

Nagtanong-tanong sila sa mga napapadaang mga estudyante kung saan ang opisina ng principal hanggang sa umabot rin sila sa Headmaster's office.

"Kapag tinanong ka kung saan ka pumapasok dati, sabihin mo-"

"Seriously Trent, ilang beses mo bang kailangang ulitin saken yan?" Taas-kilay nitong nasambit sa binata.

"Hanggang matawag mo na ako sa bago kong pangalan." He reminded her.

"Tayo lang namang dalawa dito eh, no one can hear us." Palusot niya. Ang totoo ay nakalimutan talaga niya na tawagin ito sa kanyang bagong pangalan.

"You can't be so sure of that." Pagpapaalala nito kay Sandra. "Ready?"

"Kanina pa Trent... I mean, Raphael." emphasizing the pseudonym and rolling her eyes.

"Good morning. May I help you?" Tanong ng sekretarya na sumalubong sa kanila sa pintuan.

"Ah, yes. We're here to inquire if enrollment is still ongoing and if there are necessary requirements that we need to submit if admitted." He beamed which made the secretary fluster a little.

Dancing with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon