CHAPTER 29
"Hindi kaya. Tama naman talaga yung sinabi ni Chad sayo, masyado kang aggressive kaya hindi tumatagal yung laban."
"Bakit pa ba patatagalin kung kaya mo namang tapusin nang mabilis."
"Hindi ka ba nanonood ng laban ni Pacquiao? Saan mo ba nakita na sa first round pa lang, tumba na yung kalaban?" Sambit ni Sandra kay Alcide habang naglalakad sila palabas ng campus. Tapos na ang kanilang klase at nagpaplano silang manood ng sine dahil dalawang linggo na ring nakatengga ang plano nilang manood ng fast and the furious 6.
"Habang tumatagal ang laban, mas lalong lumalaki ang kita dahil sa mga pumupusta, and we're talking millions, not pennies."
"Hmph, kahit na. Ni hindi pa nga nag-iinit ang pwet namin sa panonood." Pangangatwiran ng dalaga.
"Bakit, nakatayo naman kayo habang nanonood ah?" Balos naman nito.
"Harharhar, very funny." Sabay irap sa binata. "Teka... Hala ka." Sabay halughog sa bag niya, "Nawawala yung mga movie tickets!"
"Ha??!!" Both hands resting on both sides of his waist. "Saan mo ba nilagay??!! Ano ba naman yan Marion, ultimo dalawang papel winala mo pa!"
"Nandito lang iyon sa side pocket ng bag ko eh." Sagot nito habang patuloy pa rin ito sa paghahanap sa kanyang bag.
"VIP tickets pa naman yon. Hindi iniingatan eh. Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang bili ko nun?" Pagmamaktol ni Alcide.
Tawang-tawa naman si Sandra sa reaksyon ng kaibigan.
"Anong nakakatawa?"
"Mukha mo." Sabay labas ng dalawang tickets sa kanyang wallet. "I'm just playing with you." Waving the tickets in the air.
"Sira-ulo." At lumabas na nga ito para kunin ang kanyang sasakyan sa parking lot.
"Wait lang, wala akong dalang sasakyan. Hatid mo ako pagkatapos ah?" At tumakbo naman ito para sundan ang kaibigan.
"Maglakad ka pauwi." Sambit naman nito.
"Sige, mag-goodbye ka na sa mga binili mong tickets." Agad namang balos ng dalaga.
"Mag-goodbye ka na rin sa MMA mo."
Sandra's eyes lightened up when she entered the car. "Really? Tuturuan mo na ako?"
And with one swift motion, Alcide snatched the tickets off her hand. "Kidding aside."
"Shit you." She cursed, smacking Alcide's arm.
"Lesson learned? Don't be gullible." He scoffed, turning his car engine on.
Sandra rolled her eyes. "Shut up."
------------------------------------------------------
"May part 7 pa talaga yung movie. Sayang namatay yung character ni Sung Kang at Gal Gadot."
"Kailangan dahil sa Tokyo drift."
"Yun lang ata yung sequel ng movie na irrelevant. Who is Lucas Black by the way?" Sandra wondered.
"The culprit of Han's end." Alcide remarked.
"I cannot agree more." Sandra approved.
Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na ni Alcide si Sandra pauwi. Pinark nito ang kanyang kotse sa tapat ng bahay ng dalaga. "Mukhang tulog na ata ang mga tao sa inyo." Sabay tingin sa relo nito. "10:30 pa lang ah."
BINABASA MO ANG
Dancing with Fire
Ficción GeneralRemember the past. Live the present. Survive the future. ENJOY READING! (Characters are POSTED ALREADY.) Please don't hesitate to leave comments, I would really appreciate it c: Love lots, Parisian c: