Episode 8
Canalyn POV
" Bye , ingat ka sa biyahe . " Sabi ko kay Keizer pagkababa ko sa kotse niya
" I will , bye Canalyn. " sabi pa niya bago tuluyang umalis.
Ako naman ay dumiretso sa condo ko , oo nga pala kakauwi lang namin mula sa outing kaya heto , pagod na pagod tuloy ako.Sa mga nalabing oras kasi namin doon ay nag scuba diving , jet ski at kung anu-ano pa ang pinag gagawa namin pero limitado nga lang ang maaari namin mapuntahan dahil sa nangyaring krimen. Heto nga dating nakagawian hinatid ako ni Keizer , si Dizel naman ang naghatid kay Zhie. Si Valrex ? Psh ! Bigla na lang nawala ng wala kaming kaalam alam. -__-.
Hay sa wakas at makakapagpahinga na rin sa wakas , pero nagkamali pala ako.
" Hello cousin ^__^ " ngiting ngiting sabi niya.
Wha . . .. bakit siya nandito ?
Naman ! For sure , shopping dito , shopping doo.
Gala dito at gala doon na naman kami.
" Gen, kung mag aaya kang mag sho--- " tingnan mo hindi pa ako pinatapos magalita. -__-
" Naku , don't worry , hindi kita aayain ngayon. "
Agad namang nanglaki ang mata ko .
" WEH ? " Ako.
" Oo , alam ko namang pagod ka pa mula sa biyahe . " sabi pa nito.
" GENOVA MONTEREAL IKAW BA YAN ? " Sigaw.
" Aray ko naman Lyn , kailangan talaga nasigaw ? " kunwari'y inis nitong sabi sa akin.
Nilapitan ko naman siya at kinapa ang noo niya.
" Wala ka namang sakit ? " ako
" Psh ! " Siya .
Wew ! Imposible talaga , ito pa ? Wala atang patawad iyan , basta sa tuwing nadalaw yan rito ay for sure kawawa na naman kami ni Dizel nito. Bihira lang daw kasi niya kami makasamang magshopping kaya sinusulit niya , ayun nga lang todo sulit nga , halos palaging ubusin na ata ang mga tinda sa mga napupuntahan naming mall .
" Di nga ? HInd ka mag aayang magshopping ? " ako.
" Ha ? Oo , mamaya na lang hapon para makapag pahinga ka . " sabi nito.
And with that poker face ko siyang tiningnan.
BINABASA MO ANG
Dark and Light ( Truth and Lies )
Mystery / ThrillerPsychological Thriller Story. Truth. Lies. Savior. Killer. Love. Obssession. Sino nga ba ang dapat mong pagkatiwalaan ? Sino sa mga taong nakapaligid sa iyo ang tunay na pumapatay ? Ang taong pinagkakatiwalaan mo o Ang taong alam mong may posibilida...