This story was dedicated @angelraica
Thanks sa pag-follow ^__^
Episode 1 : Blood.
Third Person POV
Isang gabi.
Sa isang liblib at mapunong lugar.
" Maawa ka . "
Takot at nanginginig na pagmamakaawa ng isang lalake sa binatilyong kaharap nito.
" Ma. . . a . . . wa ? "
Mabagal na turan nang binatilyo , tila ba'y hindi nito alam ang ibig sabihin niyon.
" Pa-paki-usap t-tama na. . . . "
Hinang hinang pakiusap nung lalake.
" Ta. . . ma . . . na ? "
Naliligo na sa sariling dugo nito ang lalake , wala na rin ang isang tenga nito gayun din ang kanang kamay at kaliwang paa nito. Ang kaliwang mata naman nito ay hindi mawari kung dinukot o tinusok nang kung anong bagay.
Muling iginalaw nung binatilyo ang kanang kamay nito na may hawak na kutsilyo.
" W-wag. "
" Ano ? "
" Ta-tama n-na. "
" Ha ? "
" Pa-patayin mo na a-ako. "
" E ? Papatayin naman talaga kita ah . . . .
Yun nga lang sa . . . . .
Mahirap na paraan. "
At humalakhak ito sabay nang pagtapyas nito sa ilong nang lalake dahilan upang mapahiyaw sa sakit ang lalake.
" Sige . . . sumigaw ka lang . . . sigaw . . . . mag makaawa . . . matakot at humiyaw sa sakit."
Sabi nito na tila sabik na sabik sa pagpatay at galak na galak sa kaniyang nakikita.
Ang mga mata nang binatilyo ay naglalakihan at kulay pula na rin , may mga tilamsik na rin nang dugo ang mukha't damit nito at ang kamay nito ay punong -puno na ng dugo.
Muli nitong walang habas na pinagsasaksak ang lalakeng halos wala nang buhay ngunit ang binatilyo ay tila walang balak na tumigil.
Napatigil lamang ito noong may matanaw itong isang magandang dilag sa di kalayuan.
Isang dilag na morena , may katangkaran , may mahabang buhok , kaakit akit ang hubog nang katawan.
Nasasabik niya itong tinungo , muli siyang nasabik at nagalak dahil mayroon nanaman siyang panibagong biktima. Ngunit napatigil siya nang marinig nito ang mala-anghel na tinig nung dalaga.
BINABASA MO ANG
Dark and Light ( Truth and Lies )
Mystère / ThrillerPsychological Thriller Story. Truth. Lies. Savior. Killer. Love. Obssession. Sino nga ba ang dapat mong pagkatiwalaan ? Sino sa mga taong nakapaligid sa iyo ang tunay na pumapatay ? Ang taong pinagkakatiwalaan mo o Ang taong alam mong may posibilida...