Episode 18
" Sige na po , hayaan niyo na po kaming makalabas rito ? "
Pamimilit ni Verzhie sa ginang , kanina niya pa ito kinukulit na pagbigyan na silang makaalis sa lugar na iyon pero paulit ulit lang itong umiiling.
" Hindi maari , mas ligtas kayo rito. " Paulit ulit rin nitong sagot sa kaniya.
" Pero wala naman po kayong karapatang magdesisyon para sa kung ang nararapat naming gawin ! Wala kayong karapatang tanggalan kami ng kalayaan ! " nauubusang pasensyang sigaw ni Dizel dito.
" Psensya na talaga. Pero kabilin bilinan ng anak kong wag kayong palalabasin ng silid na ito. Pasensya na talaga, unawaiin niyo na lang. "
" THAT'S BULLSHXT ! " sigaw ni Dizel.
Naiinis siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit sinasarili lang ni Keizer ang lahat !
" Sa tingin niyo naman po ba ay hahayaan lang naming sarilihin niya ang lahat ? "
Natameme naman doon ang ginang at hindi alam kung ano ang isasagot.
" Anong klase kaming kaibigan kung ganoon ? Kaibigan namin siya ! Kaibigan niya kami ! Di ba dapat natutulungan kami ? Hindi yung isa lang kumikilos ? " sabi pa nito.
Doon naman ay napaisip ang ginang. Tama naman kasi ang mga ito , alam din naman niyang hindi kaya ng anak niya ang mag isa dahil higit sa lahat , ngayon nito kailangan ang makakasama.
" Tama po siya, hindi naman palaging dapat na lang siya ang kumikilos" sang-ayon pa ni Genova.
" kaibigan niya kami at dapat lang na tinutulungan namin siya, kaibigan di namin ang nawawala kaya sige na po , hayaan niyo na kaming makaalis at tulungan ang anak niyo. "
dag dag pa ni Verzhie
Doon naman napatingin sa kanila ang ginang, hindi niya alam kung iiyak ba siya o ngingiti , dahil sa wakas mukhang nakatagpo na talaga ang anak niya ng mga kaibigan, itong mga taong nakapaligid sa kaniya , nasisigurado niyang tunay na mga kaibigan , mababait ang mga ito.
Sa totoo lang ay natatakot siya para sa kalagayan ng kaniyang anak , syempre naman ! Sino ba naman ina ang gugustuhing mapahamak ang kaniyang anak , kahit na sabihin pang ginagawa lamang nito ang mga bagay na ito para maprotektahan sila , ang mga ito.
Siguro naman ay hindi magiging isang pagkakamali ang magtiwala sa mga ito ?
Siguro naman panahon na para ang anak naman niya ang makaranas ng protektahan kagaya ng ginawa nito ngayon.
Siguro naman panahon na para ito naman ang tulungan at hindi ang ito ang palaging tumutulong.
Isa pa , tama naman talaga ang mga ito , wala silang karapatang ikulong ang mga ito rito dahil may kalayaan din ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Dark and Light ( Truth and Lies )
Mystery / ThrillerPsychological Thriller Story. Truth. Lies. Savior. Killer. Love. Obssession. Sino nga ba ang dapat mong pagkatiwalaan ? Sino sa mga taong nakapaligid sa iyo ang tunay na pumapatay ? Ang taong pinagkakatiwalaan mo o Ang taong alam mong may posibilida...