Episode 11

515 25 3
                                    

Episode 11

" Gen ! Gen ! Gen ! Gising ! GENOVA ! "

Nagising si Genova dahil sa sunod sunod na tawag at yug yog sa kaniya ng kung sinumang may ari ng isang baritonong boses.

" Ugh ! "        daing niya , ang sakit kasi ng kaniyang ulo.

" Ack ! "        pilit niyang iminulat ang kaniyang mga mata upang alamin kung sino ba ang tumatawag sa kaniya pero lalo lamang sumakit ang kaniyang ulo.

" Gen ! Gen ! '        tawag uli sa kaniya.

" Argh ! "         sa wakas ay naimulat na rin  niya ang kaniyang mga mata , sa una ay malabo pa ito pero di rin kalaunan ay luminaw na rin.

Agad niyang inilibot ang kaniyang paningin , nasa di siya pamilyadong silid , kulob din ito at ni isang bintana at mga kagamitan ay wala ,tanging isang ilaw lamang ang makikita roon , patuloy lang siyang nagmasid hanggang sa mapansin na rin niya sa wakas si Dizel na kanina pa siya pinagmamasdan.

" Kei ? "        Wala sa sariling tanong niya.

" Sa wakas at nagka malay ka na rin  Ok ka na ba ? "        nag aalalang tanong nito sa kaniya.

" Huh ?  "        teka , nasaan ba siya ? Bakit niya ito kasama ?

" Hey ! You ok ? Hindi na ba masakit yang sugat mo sa ulo ? "        sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.

Ha ? Sugat ?        takang tanong niya sa sarili niya, bahagya pa siyang nag isip kung ano ba talaga ang nangyari hanggang sa maalala na niya ang mga nangyari kagabi.

Ay ! Shocks ! Nakidnap ako ? Pero nino ?

Shet lang ! Kaya pala masakit ang ulo niya ay dahil sa bagay na tumama rito kagabi.

Pero teka . . . 

Kung nandito si Kei , ibig sabihin hindi ito ang dumukot sa kaniya at ibig sabihin . . .

Nakidnap rin ito ?

 At doon lang din niya napansin na parehas na nakakadena ang magkabilang binti niya kaparehas ng kay Dizel

" Nadukot ka rin ?  "        tanong niya bigla rito.

" Sa kasamaan palad ay Oo , mukhang natunugan niya ako eh. "        sagot nito sa kaniya.

" Huh ? Nino ? "

" Yung may ari nang diary. "        sagot nito.

" Diary ? Eh ? Ibig sabihin hindi ikaw yung . . . . "        hindi na siya pinatapos pangpagsalitain ni Dizel dahil ito na mismo ang nagtuloy sa kung anumang sasabihin niya.

" Oo , hindi sa akin yung diary na nakita mo , sa ibang tao iyon , napulot ko lamang iyon sa may rest house nila Canalyn na pinuntahan namin nito lang. "

Dark and Light ( Truth and Lies )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon