Episode 12

497 18 3
                                    

Episode 12

Pagkalabas ni Keizer sa mansyon nila ay agad siyang pumasok sa masukal na kagubatang nakapalibot sa kanilang mansyon upang hanapin ang taong kailangan niya.

Samantala . . . . .

" Shxt ! Fxck ! "         mahina pero madiing mura ni Valrex ng magkamalay siya , ang sakit kasi ng buong katawan niya na animo'y nahulog siya sa mataas na lugar ! 

" Argh ! Fxck it ! "

Daing niya ng pilitin niyang makatayo.

Ano ba kasi ang nangyari ? Sinusundan lang naman niya si Keisa----

" SHXT ! "        Napalakas bigla ang pagmumura niya nang maalala na niya ang nangyari kagabi !

Shxt lang ! Kailangan na niyang makaalis doon bago pa siya maabutan  o mahanap nito ! Grabe ! Hindi niya akalaing kaya pala nitong pumatay !

Mabuti na lamang at natakasan niya ito kagabi ! Dahil kung hindi ay tiyak ay patay na siya ngayon ! Nang may makita kasi siyang mababang bangin ay pinili niyang mag pakahulog dito upang matakasan ang humahabol sa kaniya at mabuti na lamang at nagtagumpay siya at suwerte na rin dahil mga galos at hindi malalang mga pilay lamang ang kaniyang natamo .

Nang matagumpay na siyang nakatayo ay pinilit niyang mag lakad kahit na iika ika , sinundan na lamang niya ang araw , ito ang ginawa niyang direksyon dahil hind niya alam kung nasaang parte na ba siya ng gubat na iyon at kung anong lugar at nasaan ba ang labasan sa lugar na iyon.

" Txngina ! Ano yun ? "        sigaw niya sa kaniyang isipan , may narinig kasi siyang mga yabag , yabag na tila papalapit sa kaniya.

Walang lingon lingong binilisan niya ang kaniyang lakad , hindi na rin niya ininda ang sakit ng kaniyang katawan ang importante ay matakasan niya ang kung sinumang taong humahabol sa kaniya ! 

Nang bilisan niya ang kaniyang lakad ay naramdaman din niya na bumilis rin ang mga yabag nito kaya dumoble lalo ang takot na kaniyang nararamdaman.Sunod sunod na rin ang mura niya sa kaniyang isipan dahil shxt lang hindi siya nito maaring maabutan ! Ayaw niya pang mamatay !

Mas bumilis pa ang lakad niya ay hindi tumatakbo na pala siya.

Dinig na dinig niya ang pagkadurog ng mga tuyong dahon dail sa mga yapak nila  , ang pagaspas ng mga dahon ng puno , ang malamig na hanging dumadampi sa kaniyang balat ngunit kahit na malamig ay pawis na pawis pa rin siya .

Agad na sumilay ang pag asa sa kaniyang mukha ng makakita na rin siya ng liwanag ! Sa wakas ay makakalabas na rin siya ! Mas binilisan niya ang pagtakbo dahil ramdam niyang malapit na rn sa kaniya  ang kung sinumang humahabol sa kaniya , ngiting ngiti siya ng sa wakas ay makakalabas na siya ngunit  . . .

" WHOAH ! SHXT ! "        Sigaw niya nang sa pagkahawi niya sa mga malalaking halaman na tumatakip sa nakikita niyang liwanag ay isang mataas na bangin pala ang na roon , kitang kita niya ang malalakas na hampas ng mga alon sa mga matutulis at malalaking mga bato! Shxt lang muntik na siyang mahulog doon , kung natuluyan siya doon ay malamang sa malamang ay lasog lasog na ang kaniyang  katawan at tiyak patay siya ! 

Napakasuwerte talaga niya't bago pa siya tuluyang mahulog ay may isang kamay na agad na nakahablot sa ka---ni--ya ?

" FXCK THE HXLL ! "         Sigaw niya sa kaniyang isip , agad na nabalot siya ng takot at  halos manginig na ang kaniyang buong katawan sa sobrang kaba ng marealize niya ang nangyayari ,  isa lang naman kasi ang maaring humablot sa kaniya ! Napalunok muna siya bago takot at nanginginig  na nilingon ang taong humablot sa kaniya dahil natitiyak niyang ito ang taong humahabol sa kaniya . . . . Nang nalingon na niya ito ay nakita niya si . . . .  

" Keizer ? "         nanghihinang sambit niya at ang sunod na lamang niyang nakita ay kadiliman.

----------------------------------------------------

Shxt ! Shxt ! Shxt !

Sunod sunod niyang mura habang pa ikot ikot sa kaniyang Condo ! Txngina lang kasi ! Nag kamali pala siya ng hinala ! Shxt lang ! Ang tanga tanga niya ! Ngayon nagkamali siya ng hakbang ! At higit sa lahat ay nagkamali siya ng kinalaban ! Aba ! Malay niya bang ang maala anghel na ugali nun ay mas demonyo pa pala sa kaniya !

Inis na sinabutan ni Keisaku ang kaniyang sarili.

SHXT ! Kailangan maunahan niya ito bago pa siya nito maunahang mapatay !

At higit sa lahat ay kailangang maipalam niya ito kay Canalyn ! Oo tama ! Kailangang masabihan niya ang dalaga at mabantaan  sa lalong madaling panahon !

Nakaka gxgo lang , ang galing lang umarte nang hayop na iyon , akala mo kung sinong anghel eh mas demonyo pa pala kaysa sa kaniya ! Napangiti tuloy siya ng mapakla.

Pero ang tanong paniniwalaan kaya siya ni Canalyn ?

Gayong alam niyang siya ang pinaghihinalaan ng mga ito ?

At higit sa lahat ay alam niyang mahal na ri nito ng dalaga ?

Muli ay napangiti siya ng mapakla.

Pagkakataon nga naman , nasa tabi na nila ang hinahanap pero ni minsan ay hindi sumasagi sa kanilang isipan na ito na pala ang kanilang hinahanap.

Pero hindi siya makakapayag na mapunta ang dalaga sa hayop na iyon !

Dahil kung may kababagsakan man si Canalyn ay sisiguraduhin niyang sa kaniya iyon at hindi sa iba !

Sinong naniniwalang si Keizer ang tunay na may sala ??

Taas ang kamay !!!

AKO !!!!!!

Hahaha may sala talaga eh no?

ENJOY READING ^__^

DEMON ANGEL / KAITOURAICA18

Dark and Light ( Truth and Lies )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon