Hindi ko akalain na kailangan kong i-rush lahat ng papeles na magpapatunay ng kababalaghan sa loob ng San's Medical Corporation.
After meeting Agon and discussing to him the possibilities and consequences, ay wala na rin akong ibang magawa kundi ang um-oo.
I have to contact Mister Chaddler Asure to gain more infos about the said company.
Pagkatapos i-discuss ni Carrina saakin ang mga dapat gawin ay agad kong sinabi yun kay Agon. Sabi naman niya ay okay lang at madali lang daw.
Kaya heto ako ngayun nasa loob ng opisina at hinihintay ang nakatakdang oras nang pagkikita namin ni Aldrei Chang.
Sabi ko pa sa kanya ay dinner time. And I am thinking that dinner time is seven PM.
Wala pang six thirty kaya bored na bored na ako. Gusto kong lumabas pero natatakot ako. May practice game kasi ang basketball team ngayun. For sure, nandun si Akihito. Ayoko pa siyang makita. Ayoko pa siyang maamoy. Ayoko pa siyang maramdaman. At higit sa lahat, ayokong malaman niyang hanggang ngayun ay apektado pa rin ako sa ginawa niya.
There. Admitted. It's only been a week. Cannot blame myself though. Sobrang sakit lang kasi ng ginawa niya saakin.
I let out a sigh. Kailangan ko lang talagang makalimutan ang nangyari saamin.
Napatingin ako sa cellphone ko ng magvibrate yun.
Unregistered number calling...
"Who is this?" Tanong ko.
"Aldrei Chang, I am on my way to the restaurant..."
Kinuha ko ang laptop ko at nilagay sa loob ng bag ko.
"Got that. See you in a minute." Sabi ko at pinatay ko na ang tawag.
Palabas na ako ng opisina nang mapansin kong may tao sa labas ng pinto.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko ng marinig ang mga yabag ng tao sa labas.
Saglit na nawala ang kabang naramdaman ko ng mawala ang yabag na narinig ko. Ng malapit na ako sa pinto ay mabilis kong tinawagan si Stassy.
"Hey what's up baby?" Bungad niya saakin.
Pinihit ko ang doorknob at tumingin sa labas ng opisina. Medyo madilim na sa labas.
"Stass, where are you?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong isara ang pinto at ni-lock.
"Apartment why?" Tanong neto. "Nasan ka ba? You sound worried. What happened?"
"Nasa office pa ako. Pwede mu ba akong sunduin dito saglit?"
"Bakit? Anung nangyari? Are you hurt baby?" Sunud sunud na tanong niya. "I will be there in a minute.."
"W-wag mo lang papatayin ang tawag Stass. I am kind of scared..."
"Okay.. Just hold on baby..." She pause for a minute. Naririnig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto sa kabilang linya.
Hindi naman kalayuan ang apartment namin sa opisina ko. Pero nakakaramdam talaga ako ng takot. Feeling ko kasi parang biglang may nagmamasid saakin.
"Almost there baby. I can see you behind the blinds now." Boses ni Stassy yun. "Just a minute... Do not open the door not unless I say so.."
"Bakit?" Kinabahan na tuloy ako lalo. Baliw talaga tong si Stassy! Ramdam na nga niyang may takot na ako aaagh! "What is going on Stass?"
"Tsk! Akala ko naman eeh! Buusset! Yung janitor Xhailla! Labas ka na diyan!" Iritang iritang sabi neto sakin.
BINABASA MO ANG
Empress Costudy
RandomThey are the real definition of the wealthiest teenagers in our Generation. One of them already owned universities with a wide branches all over the Philippines. While the other one, got her First ten-million dollar deal at the age of fifteen and as...