chapter 2 -

464 7 2
                                    

oo, namana.

sa totoo lang, mayaman daw kasi talaga ang lolo at lola ko, kaya lang. ang kwento sakin ng mama ko pati na ni tita Zeni ay nalugi daw ang kumpaya nila dati dahil sa kalaban nilang kumpanya . hayyy. sayang nga eehhh. 

ang kwento kasi sakin ni mama,

namatay daw sina lolo at lola sa isang car crash noong 16 years old siya. kasama daw doon sa aksidenteng yun ang nag-iisa niyang kuya na si Zandrei Villaran.

si mama lang daw ang naiwan sa pamilya nila at huli na nang nalaman niya na tinraydor pala siya ng  tagapamahala sa kanilang kumpanya pati ng kanilang abugado,

nakipagsabwatan daw ito sa kalaban nilang kumpanya para papirmahin siya sa isang kontrata upang mabili nila ang mga shares niya sa kumpanya.

sobra daw nasaktan si mama noon. . .

hindi niya alam kung san na niya ilulugar ang sarili niya. gusto niyang bawiin ang kumpaya nila na pinaghirapan ng kanyang mga magulang pero wala siyang magawa. bata pa siya at wala pa siyang alam sa negosyo...

mabuti na lang daw at nandyan si tita Zeni, ang matalik na bestfriend ni mama :)

[ si Zenidie Jimenez ay isa sa mga anak ng empleyado ng mga magulang ni Cassandra Villaran(mama ni Getget) mabait ang mga magulang ni Sandy kaya mahal na mahal sila ng empleyado nila at isa na doon ang mga magulang ni Tita Zeni ni Getget ]

nang nawala ang mga magulang ng mama ko, dun na daw tumuloy si mama kina Tita Zeni dahil mabait daw ang mga magulang nito..

hindi na umuwi si mama sa mansyon nila at napilitan na lamang daw si mama na ibenta iyon para makapag-aral siya at para kahit papano ay makatulong siya sa mga gastusin sa bahay nina Tita Zeni. 

sa totoo lng,

ay may natitira pa naman daw siyang pera sa banko . inihiwalay daw yun ng daddy niya sa kanya nung 16th birthday niya. hindi daw kasi makaisip and daddy niya ng panregalo at tinanggihan daw niya ang condo at kotse na ibinibigay nito sa kanya.

hindi kasi maki materyal na bagay si mama.

mas gusto niya ang quality time galing sa mga magulang niya kaysa sa mga kung ano anong alahas at mamahaling gamit.

hayyy.. sayang noh? .. kung hindi lang sana dahil dun sa kalabang kumpanya nila na at sa mga taong trumaydor sa kanya,

hindi na sana ganito si mama ngayon at mayaman sana kami..

sabi kasi ni tita Zeni, hindi na daw tulad ng dati si mama,

madalas na kasi siyang matulala ,

minsan ay wala sa sarili..

mabait naman sa akin sa mama pero nakikita ko sa mata niya na malamig ang pakiiyungi niya sa akin.. minsan ay mabait nama siya at tinatawa niya akong cessyy.. pero pag sinusumpong siya nang di ko malaman kung ano ay bigla na lang siyang parang inis na inis pag nakikita ako at tinatawag niya na akong Getget -_- ..

ang weird diba???

isang beses ay nadulas si tita, nabanggit niya na dahil daw yun sa nangyari 17 years ago. o.O

;;;hindi kasi gaanong nagkkwento si mama sakin ng nakaraan. yung mga nabanggit ko lang ang alam ko... :( marami nga akong gustong malaman tungkol sa kanya e.. pati sa kung ba talaga ang daddy ko.. pero di ko alam e.. sa tuwing tinatanong ko siya, nagpapanic siya at ayaw niyang sumagot..

madalas..

nagagalit pa siya..

kaya nga pinipilit ko na na wag na lang ulit magtanong at makuntento sa kung sino man ako para wala nang gulo.. at in fairness,,, effective naman :)

the revenge of the Nerd (the vampire prophecy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon