Game #3: Aftershock

29 2 0
                                    

(Yumi's POV)

"T-teka lang, a-anong nangyari?"-gulat na sabi ni sai. Hindi kami makapaniwala sa mga nakikita namin ngayon. Nagbagsakang mga buildings, mga nagbunguang mga kotse at mga nagkalat na malalaking tipak ng cemento at basag basag na salamin. Parang hindi ordinaryong lindol an naganap. Nagulat ako nang biglang merong magsalita sa likod ko.

"Ma'am tulungan ko na po kayo. Dito po tayo, para magamot ang mga sugat ninyo lalong lalo na po ang bali ninyo"- sabi ng pulis

"S-sige"- sagot ko at sumama na kami sa pulis.

.........

"Oh eto, tubig. Baka nagugutom ka na, kumuha na rin ako ng pagkain."- alok saakin ni sai sabay abot ng tubig. Kasalukuyan kaming nananatili sa evacuation center, matapos sabihin saamin ng pulis na manatili na lang muna dito dahil mas ligtas.

"S-salamat. Nakausap mo na ba sina mama at papa? Anong lagay nila? Maayos lang ba sila? Si jiki, nasaktan ba siya?."- sunod sunod na tanong ko. Hindi mo ako masisisi, mukhang malawak ang nasira ng lindol kanina. Kaya nag-aalala ako kung ano na ang nangyari sa kanila

"Nakausap ko na sila. Ayos lang raw sila, walang nasaktan. Nakalabas raw sila kaagad nung nangyari yung lindol. Rinig na rinig sa telepono ang iyak ni jiki, kaya sigurado akong ayos lang siya.  Sabi nila nasa may, EYOS WING raw sila kaya medyo maingay, pero rinig na rinig pa rin yung iyak ni jiki"- natatawang sabi ni sai."Tinanong rin nila kung kamusta na tayo. Sinabi ko, ayos lang tayo pero nabalian ka sa paa."- dagdag ni sai habang umuupo sa tabi ko

"G-ganun ba."- sagot ko. Para akong nabunutan ng tinik nung narinig ko ang sinabi ni sai. Buti naman at hindi sila napahamak. Pero meron pang gumugulo sa isip ko, tandang-tanda ko pa ang mga nangyari, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyari kanina........

//FLASHBACK//

"SAI!!!!"- sigaw ko habang pinapanood ang matalik kong kaibigan na mamatay. 'B-bakit?! Bakit mo yun ginawa?! Bakit mo pa ako kailangang iligtas?! Bakit kailangan mo pang mamatay sa harap ko?!' Hindi ko napigilan sa pagtulo ang mga luha ko. Para akong timang na naka tulala habang umiiyak na parang bata sa harap ng bangkay ng matalik kong kaibigan. Hindi ko mapaniwala ang sarili ko na wala na talaga ang kaibigan ko, ang kaibigang itinuring ko na sariling kapatid. Hindi parin ako makapaniwala na isang malamig na bangkay na lang ang nasa harapan ko ngayon. Na wala na talaga si Sai...

Matapos kong magmukmok sa pagkamatay ni sai. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko nang naisip ko na tanggalin ang bangkay ni sai sa pagkakadagan. Para akong timang na pilit tinatangal ang mabigat na tren sa katawan ng kaibigan ko. Wala na akong pake kung ano ang bigat ng tren o kung ano ang iniisip ko kung bakit ko yun ginagawa, ang alam ko lang gusto kong tanggalin ang bangkay ni sai. Pero habang inaangat ko ang tren bigla na lang may sumabog sa loob ng tren

*EXPLOTION*

Napatras ako ng bahagya at nawalan ng balanse at dahil doon napahiga ako, hindi ko inaasahang ganoon ang babagsakan ko. Isang lubog na bahagi ng lupa na punong puno ng mga malalaking piraso ng mga basag na salamin at mga putol putol na ng bakal.

"Sai....."- ang huling salita na lumabas sa aking bibig........ Pero bago pa akong mawalan ng malay biglang nagliwanag ang aking bulsa. Sa sobrang liwanag nito ay napapikit ako pero ng pagbukas ko ng aking mga mata ay nag-iba na ang paligind. Ang dilim ng paligid, wala kang makita kundi puros itim. Wala na rin ng mga nakatusok saaking mga bakal. Para akong nakalutang sa hangin

"T-teka lang anong nangyayari, nasaan na ba ako?" - tanong ko sa sarili ko. Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at may napansin akong umiilaw sa hindi kalayuan

Bloodstained Monochrome WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon