Game #2: Let's start the GAME!!!

44 2 0
                                    

(Yumi's POV)

 ............... .  .    .     .      .       .        .        .         .           .            .       

"Haayyyy! Ang weird nung nangyari kanina no Sai?"- tanong ko habang nag-uunat ng mga braso. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa estation ng tren

"Ano kaya ang ibig sabihin ni lola?"- dagdag ko

"Ano kaya yung nasa loob ng kahon? Grabe kinikilabutan na ako!!"- dagdag ko pa

"Huy, Sai! Sai! Sai! Nakikinig ka ba?!"- sigaw ko. Pano ba naman kasi kanina pa ako dito salita ng salita hindi man lang nasagot.

"Shhhh. Ang ingay mo. Kita mo nang nagiisip ako eh."- sagot niya

"Sorry naman."- sagot ko. Buti nalang sumagot siya. Pero pagalit naman. Hindi mo naman siya masisisi eh. Dati pa yan ganiyan. Hindi mo makausap ng maayos, palagi ring malalim ang iniisip. Lalo't lalo na, ganito ang mga nangyayari

//FLASHBACK//

*SPLAH* 

*Sabay namin inihagis sa wishing well ang gintong baryang ibinigay saamin ni lola.

"Yan tapos na. Sana talaga magkatotoo yun."- pabulong kong sabi

"Ano ba yung hiniling mo?"- tanong niya saakin.

"Wag na! Baka maslalo mo pa akong hindi pansinin."- pabulong na sabi ko. Pano ba naman, imbes na saktan ka niyan tuwing may gagawin kang masama sakaniya. Bibigyan ka niyan ng silent treatment. Hindi yung, hindi ka niya papansinin hangga't hindi ka pa humihingi ng tawad. Yung kahit umiyak ka na ng dugo kakahingi ng tawad hindi ka pa rin niya papansinin. Hindi yung tipong invisible ka sa paningin niya, yung tipong hindi ka nag-eexist mundo para sakaniya. Umaabot rin yan mula isang buwan hangang isang buong taon, oo isang buwan ang pinaka-sangglit para sakiniya. Ganun siya kalala mang silent treatment. Kaya ang palayaw niyan sa school ay "Silent Fury". Gets niyo XD!!! haha. Ang corny ko no.

"Bakit ano ba yun?"- tanong niya saakin habang nakatitig ng masama

"A-ano kasi eh. Hiniling ko kasi na sana magbago na ang ugali mo. Yung tipong nakakangiti ka na."- pabulong na sabi ko

"Ah ganun ba. Ok lang yun, medyo nabobored na rin naman ako sa sarili ko eh. Mabuti na rin magbago ng unti."- sagot niya. WAT DA!! Ang bilis naman gumana. Kasi kapag ganun ang sinabi ko dapat magagalit yun saakin pero, akalain mo hindi siya nagalit. Mukhang totoo nga ang pinagsasabi nila

"Eh ikaw ano ba ang hiniling mo?"- Tanong ko

"Ang gusto ko sanang hilingin ay, sana makarma na ang mga kurap na tao o kaya naman na sana magkaroon ng malaking aksidente tapos lahat ng mga kurap na tao madamay. Pero hindi yun ang hiniling ko."- walang ganang sagot ni Sai

"Eh ano yung hiniling mo?"- tanong ko ulit. Hindi pa pala naepekto. Pero grabe, may pagka sadista rin tong babaeng to.

"Katulad nga ng sinabi ko kanina. Nabobored na ako. Kaya hiniling ko na sana may mangyaring kakaiba, sana may mangyaring exciting."- sagot niya saakin

"Haayyyy, exciting naman ang buhay eh, hindi mo lang talaga napapansin. Tama na ang kadradrama baka pagalitan pa tayo ni mama kung bakit gabi na tayo umuwi."- sabi ko

*Malapit na kami sa gate nang merong magsalita

"Maraming salamat sa pagbisita mga iha. Ingatan niyo ang kahon na iyan, magagamit niyo ang nasa loob niyan. Papaano ba yan mga iha, kayo na ang pinakahuli naming bisita. Hanggang sa muli nating pagkikita mga iha. Mag-ingat kayo sa pag-uwi. Lalo ka na Yumi Amami"- sabi ni lola. Nagulat kaming pareho sa sinabi ni lola.Anong ibig sabihin ni lola? Mag ingat raw kami sa pag uwi lalong lalo na ako?

Bloodstained Monochrome WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon