Game #6: Bloodstained Ogre

15 1 0
                                    

(Sai's POV) 

Isang malaking halimaw ang bumungad saamin ni Yumi. Isang halimaw na balot ng dugo at kumakain ng laman loob. Kahit madilim malalaman mo parin na laman loob ng tao iyon dahil sa mga damit na nakakalat sa paligid niya.  Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, kumakain siya ng tao. Pareho kami ni yumi na mukhang masusuka na sa mga nakikita namin. Kumakain lang siya ng marahas, habang kaming dalawa ni yumi ay hindi makagalaw sa takot.

At dahil sa dilim ng kwarto, hindi ko ito makita ng maayos. Pilit ko itong sinisilip upang makita ang mukha. Sawakas natamaan ng unting liwanag ang kinaroroonan niya. Mas lalo kaming nagulat ni yumi sa mga nakita namin......

"Mama?........"- mahinang sabi ni yumi habang nakatitig sa kinakain ngayon ng halimaw. Halatang halat na gulat-gulat parin si yumi sa mga nakita niya. Sino ba naman ang hindi magugulat  kung makita mo ang pinakamamahal mong nanay na nakasabit ngayon sa bibig ng halimaw na walang buhay.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at kumuha ako kaagad ng anumang magagamit na bagay na pang depensa laban sa halimaw na yun.

Inihanda ko ang posisyon ng kamay ko sa pakikipaglaban. Wala akong magagawa dahil hanggang ngayon ay hindi parin umiimik si yumi, dahil sa pagkabigla.

Mukhang napansin na kami ng halimaw, dahil nakatingin na iyon sa direksyon namin. 

Sh*t!!! Bakit kailagan pa mangyari to. Bakit kailangan pa naming makita to!. Gusto lang naman naming makita sila tita, pero hindi sa ganitong paraan. Wala na rin akong masyadong lakas dahil sa dami ng dugong nawala saakin.

Walang mata ang halimaw at dahil doon hindi niya kami makita. Hindi niya alam ang eksaktong lugar namin. Pero parang naririnig niya kami. Minabuti ko nang paalisin si yumi para hindi na siya mapahamak

"Yumi alis na...."- bulong ko. pero imbes na umalis mas lalo pa nito hinigpitan ang kapit sa kaniyag kapatid. Anu ba yan mukhang masyadong nagulat si yumi sa mga nangyari. Aalalayan ko na sanang tumayo si yumi ng may narinig ako

*KLANK* 

Rinig na rinig ang mga yabag ng malaking halimaw na papalapit saamin. Habang papalapit ito ng papalapit ,sinusubukan ko pa rin na patayuin si yumi pero.......

"I'LL KILL YOU!" - galit na sabi i yumi sabay tulak saakin at kuha ng piraso g bakal sa tabi niya. Hindi na ako makatayo sa inuupuan ko dahil sa sobrang hilo ko. Masyado nang marami ang nawalang dugo saakin. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay, ilang sigundo mula ngayon. Pilit akong tumayo pero hindi ko ito magawa.

Lumingon ulit ako sa kinaroroonan ni yumi, nagulat ako sa nakita ko. Ewan ko kung totoo pero parang merong maitim na aura na nakapalibot kay yumi. Unti unti ring lumiliwanag ang arc ni yumi. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko, pagkadilat ko nawala ito. Pero hindi pa rin nawawala ang expresyon sa mukha ni yumi. Hindi ko ito mapaliwanag, pero ang alam ko galit na galit na siya ngayon.

Hinanda niya ang posisyon niya at saby sugod sa halimaw ng hindi man lang nagiisip. Alam kong malakas si yumi pero wala siyang binatbat sa halimaww na yun. Malaki ang agwat nila sa laki at lakas, isa pa wala sa kondisyon ngayon si yumi, masyado pang magulo ang isip niya sa mga nagyari.

Hinanda na rin ng halimaw ang kaniyang sarili at sabay silang sumugod sa isa't isa .Nagpumilit ulit ako sa pagtayo pero hindi ko parin ito maigalaw. Malapit nang magkasalubungan sila yumi pero hindi man lang siya natinag sa laki ng halimaw.

"YUMI! TIGILAN MO NA TO! WALA KANG LABAN SA KANIYA! MAPAPAHAMAK KA LANG!"- pilit kong sinisigaw ang pangalan ni yumi sa pagbabasakali na marinig niya ako at makinig siya saakin, pero bigo ako. Lumalabo na ang paningin ko. Hindi na rin ako makahinga ng maayos. Unting segundo na lang mawawalan na ako ng malay. Pero bago pa man mangyari iyon, meron akong naaninag na anino ng lalaki.......

At bigla na lang dumilim ang lahat................

........................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................

Sana nagustuhan niyo po ang ud ko hahahahah pagpasensiyahan niyo na po sa mga typo, sorry rin po dahil ngayun lang po ako nakapag UD. Maniwala man po kayo o hindi halos dalawang lingo po ako nagkasakit. Kaya lutang parin po si author XDDDDD pero sana pagtiyagaan niyo po na story ko ayusin ko na lang po sa susunod XDDDDD PERO PLS PLS PLS VOTE, SHARE, COMMENT na lang. THANK YOU PO ULIT XDDDDDDD

Bloodstained Monochrome WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon