Game #8: Mourning is very painful.

27 1 0
                                    

(Sai's  POV) 

........... .  .   .

It's been a week since that stupid game begun. And yes it's already been a week since yumi's family died. Since then she's been mourning nonestop for their deaths. I did everything that I could to get her out of that state and today too, but it's still no use. I've never seen her cried this much before. She never ate anything since that day. And I couldn't do anything to help her.

 I can't believe that it all happened in just one day. I think the population here in eyos decreased about 10% in just two days, what more in a week. And we stilll don't know how to use this stupid Arc. Can it really help us kill those akumas?

We are currently locking ourselves from those akumas in an old abandoned Church. It's creeping the crap out of me, but those akumas are more horrifying than this place. I never thought that I could watch so many lives taken from a tiny hole in a wooden wall. It's like watching a horror movie, where there's a monster killing all the villagers in town, but there's a big difference......and the difference big is........

"IT'S ALL REAL."- nagulat ako ng biglang magsalita si yumi. Ito nanaman, nagsisimula nanaman siyang magsalita ng kung ano ano. Palagi ko nang naririnig ang mga katagang iyan. Parang ulit niyang pinapaalala sa kaniyang sarili na namatay na ang pamilya. Kaya mas lalo siyang nagdradrama diyan eh. Parang hindi nag-iisip.

Nakakarindi na, hindi ko na kayang marinig ulit ang salitang iyan.

Alam ko na ang isiisip niyo, na masyado akong cold,na hindi ko man lang iniisip ang nararamdamaan ni yumi, na hindi ko man lang ako nalulungkot sa pagkamatay ng pamilyang nag-alaga saakin. Well excuse me, sino ba dito ang lumaki ng walang magulang? Sino ba dito ang hindi man lang nagkaroon ng maraming kaibigan? At sino ba dito ang matagal nang iniwan? Aber? Wala kayong maisip bukod saakin diba? So wag kayong mangielam!

Matagal ko nang pinipilit na maging mahinahon sa pagpapatahan kay yumi pero tinatanggihan niya ang tulong ko. At hindi ko iyon gusto! Pilit akong nagpapakumbaba para sakaniya. Dahil alam kong  hindi kami makakaligtas kung ganito na lang kami palagi. Kailaangan ko siyang samahan dahil nangako akong hindi ko siya iiwanan. Pero papaano, kami makakaligtas kung hindi man lang niya matulungan ang sarili niya.

"Yumi, tigilan mo na yan. Walang mangyayarii kung iiyak ka lang diyan."- cold na sabi ko.

"Alam ko sai....."- mahina niyang sagot. Hindi ako makapaniwalang sumagot siya. Kadalasan, pag-nagsasalita ako hindi siya sasagot. Pero ngayon kabaligtaran ang nangyari.

"Kung alam mo pala, bakit nagmumokmok ka pa rin diyan."-pagpapatuloy ko

"Hindi ko magawa......Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.."- sagot niya

"Ganun ba talaga kahirap hindi umiyak"- sagot ko

"Hindi mo ako niintindihan, hindi mo alam ang mga nararamdaman ko!"-sigaw niya. Ano bang pinagsasabi nitong babaeng to...

"Hindi ako katulad mo na walang pakeelam sa mundo. Hindi ako katulad mo na kayang itago ang mga nararamdaman."- pagpapatuloy niya. Takte! tigilan mo na ang pagkukumpara, nakakairita na!! 

"Wala akong kuwenta, wala akong magawang tama. Hindi ko man lang naligtas ang pamilya ko. Wala akong kuwenta! WALA!!"- sigaw niya. T*ng*n* naman! Isa na lang...

"Dapat ako na lang ang namatay. Dapat ako na lang ang kinakain ngayon ng halimaw. Dapat hinayaan ko na lang na kainin ako ng hali~"- hindi na niya natuloy ang sinasabi niya nang....

"AHHHHHHH"- siigaw ni yumi. 

Hinawakan ko ang ulo niya gamit ang dalawa kong kamay at timaan ko ang ulo niya ng napakalakas gamit ang ulo ko. Sapat lang para mapatigil ang pagdradrama niya.

"Tumigil ka na nga sa pag-dradrama diyan! Wala nang magagawa yang pagiyak mo. Wala nang magagawa ang pagdradrama mo. Hindi mo na mababago ang nangyari. Hindi mo na mababalik ang mga buhay na nawala na!"- untag ko sakaniya.

"Manhid ako, pero alam ko kung gaano kasakit ang mawalan. Sino sa tingin mo ang matutuwa sa mga nangyayari? Sa tingin mo matutuwa ang mga magulang kung nakita ka nilang ganiyan? Tingin mo ba na masgugustuhin nila na ikaw na lang ang mamatay? T*ngina nag iisip ka ba?"- sigaw ko

"OO! OO, matutuwa sila! Sino ba naman ang hindi gugustuhin na mawala ang katulad ko na panira sa buhay nila. Wala akong ginawa kundi ang mga gusto ko lang, nag-aaral ako ng mabuti para maging sikat dahil gusto kong mapansin nila! Pinipilit ko sila papa na bilihan ako ng mga mamahalin na bagay para maipagmayabang sa klase. Nagpapakaplastik ako sa harap ng iba para magustuhan nila. Inagaw ko ang puwesto mo sa klase. Marami akong kaaway dahil alam nila na nagpapanggap lang ako. Alam ko rin na nagagalit saakin sina mama at papa dahil masyado akong magastos. Lahat ng gusto ko ginagawa ko kahit alam ko na may masasaktan o may magagalit. Kaya matutuwa sila kung ako na lang ang mamatay. At alam ko na gusto mo rin"- untag niya

Halos nanigas ako sa mga sinabi niya. hindi ko na napigilan ang sarili ko, sinampal ko siya ng sobrang lakas, sapat lang para mapatumba siya

"Aray! Kita mo tama ak~" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng sumigaw ako

"OO! OO, TAMA KA! Tama ka.... gusto ko nga na mawala ka na lang. Gusto kong layuaan mo na lang ako. Tama ka, naiirta nga ako sayo. Tama ka, kinamumuhian ko ang ugali mo. Pero nung malapit ka nang patayin ng mga halimaw dati, hindi kita hinayaang mamatay diba? Kahit gusto kong iwanan ka, hindi ko magawa. Inililigtas ko pa rin ang buhay mo, kahit alam ko na mamamatay ako. Dahil alam ko na may parte parin sa puso ko na gustong makasama ka. Gusto ng parteng yon na iligtas ka. At gusto ng parteng iyon na mabuhay ka."- siryoso kong sagot

"Kahit ganiyan ka, ikaw lang tumulong saakin nung kailangan ko. Ikaw lang ang dumamay saakin nung namatay ang mga magulang ko. Ikaw lang ang tanging naging kaibigan ko. Kaya sa tingin mo mas-gugustuhin ko na mamatay ka?! Mayabang ka pero kaibigan parin kita. At alam ko na tinuring mo rin akong kaibigan. Sigurado akong ganoon rin ang nararamdaman ng mga magulang mo. Kaya umayos ka na diyan."- pagpapatuloy ko. Halatang halat na nagulat siya sa mga sinabi ko. Mukhang natauhan siya sa mga salita ko.

"Sai...."- tanging sagot niya

"Geeez, ngayon lang ako nagsalita ng ganito kadrama. Pasalamat ka at kaibigan kita kundi hindi talaga kita tutulungan."- pahabol ko

Pagkatapos kong magsalita, umiyak ulit siya. Pero sa pagkakataong ito alam ko na ito na ang huling iyak niya.

..................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................

A/N: hahaha buhay pa pala ako? hahah para kasing wala na ako sa sobrang tagal ng UD ko XDDD pero sa isa kong story parang wala na -_____-' hahahah sorry at ngayon lang nakapag UD maraming ginagaw lalo't malapit na ang holiday, kailangan ng ipasa ang mga projects -_____-' pero nakapag ud na ako ngayon so wag na kayong magalit, JK. hahah sana nagustuhan niyo ang UD ko ngayon (y) SHARE, VOTE, COMMENT XDDDDD Thank ou ulit sa pagbabasa XDDD

Bloodstained Monochrome WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon