NarrationBumuntong hininga ulit si Seungcheol matapos ihiga si Jeonghan sa kama nito. Natahimik na ito at kalmado na rin sa wakas kumpara noong sinundo nya ang binata.
“Im really sorry, Jeonghan,” bulong niya habang hinahaplos ang buhok nito. Bumuntong hininga ulit sya at dumukwang para halikan ito sa noo.
Nang aalis na siya ay bigla na lang may kamay na pumigil sa batok nya. Kalaunan, marahang bumukas ang dalawang mata ng binata. Napalunok siya pero nagpaubaya rin naman nang hilahin siya ng binata para maglapat ang mga labi nila.
Seungcheol felt a mix of emotions. Alam niyang mali ang nangyayari pero hindi niya mapigil ang paggalaw ng kanyang mga labi. Nawala na ang kamay nito sa batok niya dahil siya na ang kusang humawak sa mukha nito. Mas lalo niyang pinalalim ang halik nila.
Ngayon lang, usal niya sa isip. Pumikit siya at pinagapang ang dalawang palad sa kurba ng leeg nito, sa balikat, naglakbay ang kamay niya sa braso nito hanggang sa tuluyan niyang mahuli ang kamay ng binata.
Kung hindi lang nila kailangan ng hangin, hindi pa sila maghihiwalay para sandaling huminga. Iyon ang ginamit ni Jeonghan na pagkakataon para bumangon sa higaan.
“Salamat sa paghatid, Seungcheol. Pero sa tingin ko kailangan mo nang umuwi.”
Nag-iwas ng tingin si Jeonghan sa kanya. Kumuyom naman ang dalawang palad niya.
“I’m sorry Jeonghan.”
“Hindi mo kasalanan. Ako lang naman ang nag-assume.”
“Kasalanan ko rin. Dapat noong una pa lang, sinabi ko na ang totoo. Dapat nilinaw ko na ang lahat.”
Marahas na lumingon sa kanya ang binata. “Bakit nga ba hindi mo sinabi?” matapang na tanong nito.
Hindi siya nakasagot. Hindi rin niya alam ang dahilan. Basta, kapag si Jeonghan ang kasama niya, nawawala siya sa katinuan. Wala na siyang ibang nakikita kung 'di ito lang.
“Ang sakit kasi na sa ganoong paraan ko pa nalaman. Kung kelan ako nagsabi sayo, doon ko nalaman na hindi pala pwede. Pero kasi naramdaman ko eh. Alam kong maling itanong 'to pero...” Hinawakan nito ang isang kamay niya, mahigpit na pinisil iyon at matamang tumitig sa kanyang mga mata. “Cheol, kahit kaunti ba, kahit saglit lang, may naramdaman ka man lang ba para sakin?”
Nakakabinging katahimikan ang sumunod na eksena nila. Mabilis ang tibok ng puso ni Jeonghan. Bawat malilit na galaw ni Seungcheol ay nakikita niya. Nakatitig siya sa mukha nito kaya nababasa niya ang pag-aalinlangan mula roon.
“Jeonghan...”
“Meron ba?”
Ang naging sagot nito ang mas nakapagdagdag ng bigat sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
#JeongChoel | COMPLETED
Fanfiction-an AU where both are university students and part timers, Yoon Jeonghan in a coffee shop and Choi Seungchoel in a fitness gym. -epistolary with narrative -taglish / just fluffs and no smuts