091

28 4 0
                                    

Active Now
8:00 AM

Josh : Gusto mong magbakasyon?

Josh : Sem Break na nyo di ba?

Jeonghan : yes to both

Jeonghan : magpapasa na lang ako ng ibang requirements tapos start na ng sem break.

Jeonghan : alam mo kung minsan naiinggit ako sayo, sa totoo lang.

Josh : Bakit naman?

Jeonghan : magkasing-edad lang tayo pero manager ka na ng isang cafe tapos sakop mo pa oras mo dahil nakahome study ka.

Josh : It was my parents decision.

Josh : But Im actually planning on enrolling in your university.

Jeonghan : hala! bakit?

Josh : because you need me there. You’re a mess Jeonghan. Sinabi sa kin ni Chino ang nangyari sayo noong nakaraang gabi.

Jeonghan : ok na ko joshuji. nagkausap na kami ni cheol.

Josh : You did?

Jeonghan : yes................

Josh : I really can’t come to you right now pero pwede kang pumunta dito.

Josh : Ano nga palang pinag-usapan nyong dalawa?

Jeonghan : tinanong ko sya kung may naramdaman man lang ba sya para sakin kahit kaunti.

Jeonghan : i know wala akong karapatan na itanong yun kasi committed na sya but for my own peace of mind nilakasan ko ang loob ko na magtanong.

Jeonghan : niready ko na ang sarili ko sa sakit na mararamdaman sa sagot nya

Josh : and?

Jeonghan : mas lalo lang akong naguluhan shuji. ang sakit sa puso.

Jeonghan : u know. sabi nya meron naman daw and that broke my heart even more. mas lalo akong naguluhan. pwede ba yun shuji? committed ka sa iba pero magkakagusto ka pa sa iba?

Jeonghan : pwede ka bang magkagusto ng sabay sa dalawang tao?

Jeonghan : i know cheol is a good man, ramdam ko yun. pero nakakabullshit lang kasi ang nangyari.

Josh : Inamin nya sayo na gusto ka nya at mas lalo kang nasaktan?

Jeonghan : oo. kasi bakit kailangang ganon?

Josh : Mas gusto mo bang nagsinungaling na lang sya? na sabihin nyang hindi ka nya gusto kahit ramdam mo naman ang totoo.

Josh : ano ba ang mas masakit para sayo Hannie? Iyong hindi ka talaga nya nagustuhan sa kabila ng mga ipinaramdam nya sayo o iyong pareho nyong gusto ang isat isa pero hindi pwedeng maging kayo?

Jeonghan : shuji...

Jeonghan : mas lalo akong naguguluhan ngayon.

Jeonghan : may part na ayoko na syang isipin kasi mas lalo lang akong nasasaktan.

Jeonghan : pero may part din na gusto kong akin lang sya kasi pareho naman kaming nararamdaman.

Josh : hindi ikaw ang makakapagdesisyon sa bagay na yan, Hannie.

Josh : Kahit ano pa ang magiging desisyon nya, may masasaktan talagang isa. Nasa kanya na yun kung sino sa inyo ang bibitawan nya.

Jeonghan : ang sama ko na bang tao kung hihilingin ko na sana akin na lang sya? Na sana bigyan ako ng pagkakataon na iparamdam naman sa kanya ang pagmamahal ko?

Josh : Hannie...

Jeonghan : aayusin ko lang talaga ang lahat ng requirements ko then I’ll come to you.

Josh : Sige, hihintayin kita dito.

#JeongChoel | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon