Narration
Jeonghan immediately turned his phone off upon hearing footsteps nearing his place. He looked up and smiled at the built man who’s already smiling at him.
“Tagal naman bago maulit yung last na lakad natin,” bungad nito bago umupo sa isang bakanteng silya.”
“Busy lang talaga kami sa school works, you know, college life and all. Isa pa, kailangan kong samahan lagi si Jisoo kasi nag-aadjust pa siya.”
“Oo nga, nabanggit mong nag-stop na siya sa home schooling at pumasok na sa university.”
“Yes.”
Pareho silang natahimik. Jeonghan kept smiling for no apparent reason, Chino just stared at him because he has nothing else to say.
“Saan mo nga pala gustong kumain?” katagalan ay tanong ni Chino sa kanya.
“May nakita kami ni Jisoo na vintage resto bar, mukhang maganda magpunta do'n.”
“Kasama ba si Jisoo?”
“Yes. Umuwi lang saglit para magbihis pero sabi niya, parating na siya.”
“Hindi naman siguro ako magiging third wheel ninyo?”
Natawa si Jeonghan, halata kasi ang pag-aalinlangan sa mukha ng kaharap niya. “Kung gusto mo, magsama ka rin para partners tayo.”
“Sino naman? Si Seungcheol? Busy ‘yon ngayon.”
Bigla siyang natahimik. It’s been two months since they last talked. Kahit na nagkakasalubong sila sa university hallway ay hindi rin naman niya ito pinapansin.
“Birthday ngayon ni Jihoon kaya hindi natin ‘yon mapapahabol.”
Really, Jeonghan thought. Matapos ang bakasyon nila, iniwasan na niya ang pagpo-post sa social media. Naka-blocked pa rin sa kanya si Seungcheol kaya hindi na sila ulit nagkausap pa.
Ilang sandali lang ay dumating na ang hinihintay nila. Jisoo drove them to the place that Jeonghan recommended.
Solemn ang buong lugar na dominating ang mga hanging ornamental plant sa halos bawat sulok ng buong bar. May mini stage sa dulo na kasalukuyang may lalaking tumutugtog gamit ang acoustic guitar.
Hindi rin gaanong maliwanag ang mga ilaw sa kapaligiran na mas nagbigay sa kanila ng intimate na mood. They settled on a table with couch at the far corner of the resto bar.
“Kakain ba muna tayo or we’ll drink while eating.”
“Actually, busog na talaga ako. I’ll proceed with the drinking.”
“Same here,” Jeonghan commented while bobbing his head along with the performer’s song.
“Ako na lang pala ang hindi pa kumakain.” Tinawag ni Jisoo ang waiter.
They all placed their orders, talked occasionally while enjoying the set of songs. Habang tahimik na kumakain si Jisoo, panay naman ang tawanan nina Chino at Jeonghan. Mabilis na naubos ni Jeonghan ang tatlong bote ng beer kasabay ng pagkatapos ni Jisoo sa hapunan niya.
“Tinamaan ka na ‘ata, Hannie.”
Jeonghan leaned closer to his friend, “matagal na, Shuji. Tanga ko nga, eh,” makahulugang sagot niya.
Napailing na lang si Jisoo. Nakikinig siya sa mga sinasabi ng katabi nang biglang tumayo si Chino para salubungin ang kakilala nito.
“Dre!”
Dahil nakapulupot ang isang braso ni Jisoo sa katawan ni Jeonghan, agad niyang naramdaman ang pagkabalisa nito. He leaned closer to get a better view of Jeonghan’s face. Nanatili itong nakayuko pero nakita niyang mulat ang dalawang mata.
Jisoo looked up and came eye to eye with the very person that Jeonghan has been avoiding for months.
Choi Seungcheol.
Bumaba ang tingin niya sa lalaking kasama nito na tahimik lang ding nakatayo sa bandang likuran ni Seungcheol. Kilala niya iyon.
Noong gabing iniiyakan ni Jeonghan ang pagkadiskubre sa relasyon ni Seungcheol, ipinakita nito sa kanya ang litrato ng dalawa. Dahil doon ay nalaman na rin niya ang pangalan niyon.
Jihoon Lee, music major at mas bata lang sa kanila ng isang taon sa college.
“Han,” pabulong na tawag niya sa kaibigan.
Umiling ito, wala talagang balak na mag-angat ng tingin para batiin ang mga bagong dating.
“Dito muna kayo,” pamimilit pa ni Chino sa kaibigan. “Okay lang ba Jihoon?”
Please decline, Jisoo silently prayed. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari. He’s still contemplating and anticipalting when the smaller boy nodded.
“Wala naman na tayong lakad pagkatapos nito, so okay lang,” paliwanag pa ni Jihoon.
Nagtama ang tingin nina Seungcheol at Jisoo, the latter giving a warning glare.
“Mas madami, mas masaya!” komento pa ni Chino sabay tawag ng waiter. Um-order ulit ito ng beer at finger food.
“Han...” pukaw ni Jisoo sa kaibigan.
Hindi naman umimik si Jeonghan, nag-angat na rin ito ng tingin at mabilis na umusod sa dulo ng couch, malayo sa puwesto ng dalawang bagong dating.
“Jihoon, sina Jisoo at Jeonghan nga pala. Crew sila sa coffee shop na nasa tapat ng gym na pinagtatrabahuan namin ni Cheol. Guys, si Jihoon, boyfriend ni Cheol.”
Jisoo smiled to acknowledge him. Nang tingnan niya si Jeonghan ay nakatingin na rin ito kay Jihoon pero halata sa mukha ang pagpipigil ng emosyon. Inakbayan niya ito nginitian nang lingunin siya.
“Happy birthday nga pala, Ji.”
“Thanks.”
The small guy was cute, Jisoo realized. Mukhang stiff rin ito at hindi sanay makisalamuha sa mga taong kakakilala pa lang pero tumatawa naman kapag si Chino ang kausap. Palagi itong nakakapit sa braso ni Seungcheol gaya ng pagkakakapit ni Jeonghan sa kanya.
“Okay ka lang?” bulong niya sa katabi nang maramdaman ang pagpisil nito sa kamay niya.
Jeonghan smiled amiably. Halata sa mukha nito na medyo lasing na, halos magdikit na rin ang mukha nilang dalawa dahil nakasandal si Jeonghan sa balikat niya. Buong durasyon ay tahimik lang din si Seungcheol na isang sagot, isang tanong lang ang ginagawa.
Nakatuon ang atensyon nito sa lalaking katabi pero panakaw na sumusulyap naman kay Jeonghan.
Nang magbulungan sina Jisoo at Jeonghan at halos maghalikan na, nagtagis ang bagang niya at tumiim ang titig. Nagseselos siya, pero wala siyang karapatan.
BINABASA MO ANG
#JeongChoel | COMPLETED
Fanfiction-an AU where both are university students and part timers, Yoon Jeonghan in a coffee shop and Choi Seungchoel in a fitness gym. -epistolary with narrative -taglish / just fluffs and no smuts