092

26 3 0
                                    

Active Now
2:30 PM

Jihoon : Hindi ka pumasok?

Cheol : Masama ang pakiramdam ko Uji.

Jihoon : May sakit ka?

Cheol : Parang. Can you come over?

Jihoon : Okay, I'll be there.

***

Narration

Jihoon fished the keychain from his bag and inserted the right key on the keyhole. Hindi na nila ugali ang kumatok sa pinto dahil pareho sila ni Seungcheol na may duplicate key ng kanya-kanyang apartment.

"Cheol?" tawag niya. He closed the door behind and headed straight to his boyfriend's room. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya nasilip niya agad ang binata na nakatalukbong ng makapal na kumot.

"Cheol," tawag nya ulit at tuluyan nang lumapit dito. Nakatalikod ang binata kaya bahagya niya itong ginalaw para makita ang namumula nitong mukha. Dumapo ang kamay niya sa noo nito para damhin ang temperatura nito. "Ang init mo. Uminom ka na ba ng gamot?"

Umiling ang binata. Nakapikit pa rin ang dalawang mata.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Kailan ka pa huling kumain?"

"Kagabi."

"What?" gulat na tanong niya. "Nalipasan ka na ng agahan at tanghalian, Choi Seungcheol."

Tipid na ngumiti ang binata. Hinuli nito ang kamay niya at inilapat iyon sa mukha nito.

"Magluluto lang ako ng pagkain mo. May stock ka pa naman sa ref di ba? Saglit lang to."

Tumango lang ang binata at pumikit ulit. Sandali munang nakatitig lang doon si Jihoon habang marahang hinahaplos ang buhok nito. Kalaunan, dumukwang siya para gawaran ito ng halik sa noo bago tuluyang tumayo.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad siyang naghalungkat ng sa cupboard ng kusina para maghanap ng puwedeng iluto. Nakakita naman siya ng powdered mushroom soup kaya iyon na ang inumpisahan niya.

Wala pang isang oras, dala na niya ang tray ng umuusok na pagkain sa loob ng kuwarto ni Seungcheol. Ginising niya ito at inalalayang makabangon para pakainin. Agad namang sumunod sa kanya ang pasyente niya kaya hindi na siya nahirapan.

"Thank you, Jihoon," sabi nito matapos makainom ng gamot. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka rito."

"Ganyan ka ba kapag may sakit? Nagiging madrama?"

"Hindi na ba 'ko pwedeng magpasalamat sa 'yo?"

Hindi nakaimik si Jihoon. Pinagmasdan lang niya ang binata at tinitigan ito sa mga mata.

May nagbago, sabi niya sa isip. Hindi niya sigurado kung anong pagbabago ang nababasa niya rito pero alam niyang meron talaga. Ang lungkot ng mga mata nito ngayon.

"Jihoon..."

He came back from his reverie when he felt the warmth of Seungcheol's hand covering his.

"Ive been thinking about this for a while now. Masyado na tayong nagiging busy sa school activities. Hindi na tayo masyadong nakakapag-usap gaya ng dati, hindi na madalas magkita..."

Napalunok si Jihoon. Matindi ang kabang nararamdaman niya. Pagpasok pa lang niya sa bahay, iba na talaga ang pakiramdam niya. May parte sa kanya na gustong tumakbo, huwag nang pakinggan ang sasabihin ni Seungcheol pero may parte rin na gustong manatili roon.

Pakinggang ang sasabihin nito at tapusin na ang gulo sa isip niya. I have to stay and get this over with, once and for all.

"What do you want?" he bravely asked.

Seungcheol fidgeted, hesitated a bit but gripped his hand even tighter. "I don't know if youll agree with it but..."

Seungcheol gulped, blinked multiple times. He gulped too, unable to say anything.

Are you breaking up with me?

"Will you move in with me?"

#JeongChoel | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon