Nichole’s POV
“At last! Tunay na lupa na ang inaapakan natin!”
Natatawang sabi ni Gab nang makababa na kami sa bus. It’s exactly 1pm at hindi pa kami naglunch kaya kanina pa dumadaing itong si Asul.
“This is what I hate about trips! Gusto ko ng kumain ng kanin. Kanina pa puro sandwich ang kinakain ko.”
Parang batang kinakausap niya ang sarili niya. Hindi ko tuloy napigilan ang pagtawa ko. Sina Gab and Gail naman ay kagat kagat ang labi nila para mapigilan ang pag halakhak.
“Ganyan pala ang nagagawa ng gutom sayo?”
Natatawang sabi ko na nakapagpasimangot sa kanya.
“Let’s just go inside.”
Sabi niya dahil kami nalang ang natira dito sa harap ng bus. Nauna na din sina Daniel and Luke sa loob ng resort. Gutom na gutom na daw kasi sila. Dinala na ni Asul lahat ng gamit ko including my sling bag and he looks so cute with it kaya hinayaan ko nalang siya.
Hinanap namin sa loob ang family villa na nakapangalan sa amin. And there, Villa # 10. Nakasulat sa may pinto ang mga pangalan namin.
Sean Blue Lopez
Zianna Nichole Cullen
Daniel Lim
Luke Luther
Gabriel Gomez
Abigail Sermento
Faye ArcillaNagkatitigan kami nina Gab and Gail ng mabasa namin ang panglan ni Faye sa dulo. She’ll be with us.
Pagkabukas ng pinto ni Blue, bumungad sa amin ang mukha nina Daniel and Luke.
“Oh, nandyan na pala kayo. Kita nalang tayo sa restaurant, gutom na gutom na kami e.”
Sabi ni Daniel. Hindi na nila hinintay ang sagot namin at dali dali na silang tumakbo palabas.
Pagkapasok namin sa villa ay nadatnan naming nakaupo si Faye sa Single bed. May apat na bed sa loob, dalawang single at dalawang king sized bed. Though, magkakadikit lang naman sila.
“Faye!”
Bati ni Gail sa kanya. Sinuklian niya lang naman ito ng ngiti at balik ulit sa pagtetext niya.
“Fix your things, baby. I’m freaking hungry.”
“I’m freaking hungry too.”
Asul glared at me.
![](https://img.wattpad.com/cover/5551542-288-k190235.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartless Heartthrob! (Completed)
JugendliteraturFirst Sequel of HSAC. This is the story of Nichole, the only princess of the Cullen Family. ^^ An almost perfect girl who met a cold and heartless heartthrob.