Chapter 17 - Kdrama

177 9 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Pagkauwi namin ni math sa bahay nila ay nakita ko sila tita sa sala, nakangiti sila samin, wala si josh siguro tulog na..

Anong oras na din kasi 10:30 na, ngayon lang kami naka uwi ni math

"Kamusta ang date?" Nakangiting sabi ni tita

Date? Napangiti naman ako bigla hehe

"Hindi kami nag date" Seryosong sabi ni math tapos akmang aakyat na siya

"Hindi ba date ang tawag don? Kumain tayong dalawa sa mcdo?" Tanong ko kay math

"Poket ba kumain tayo sa mcdo ay date na yun? Are you stupid? Sabi mo nga kanina kumakain kayo don ng papa mo nang kayong dalawa lang.. So date din yun?" Parang inis na sabi ni math

Oo nga noh? Pero bakit siya galet? Nireregla din ba mga lalaki? hays napa simangot naman ako bigla, pagkatapos niya sabihin yun ay umakyat na siya, nilapitan naman ako ni tita

"Okay lang yan atleast nakasama mo siya hindi ba? ayiee" Nakangiting sabi ni tita sakin kaya naman napangiti ako

"Opo, masaya nga po ako eh kasi first time po yun" Nakangiting sabi ko

"Boto talaga ako sayo para sa anak ko ang bait bait mo kasi at ang cute cute mo pa" Nakangiti pa din na sabi ni tita sabay kurot sa pisngi ko pero hindi naman ganun kalakas

"Naku salamat po!" Nakangiti na sabi ko at nag paalam na ko kay tita na aakyat na ko dahil inaanok na ko..

Pag ka akyat ko ay lumundag agad ako sa kama ko, napatulala naman ako saglit sa kisame..

Andami din nangyari ngayong araw, una nasunog yung hotdog, pangalawa nag gawa ako ng pastillas, pangatlo sinundan ko sila andrea at math tapos nanood pa ng sine, sunod nag bili sila tapos kumain kami ni math sa mcdo... Grabe napagod din ako

Pero napaisip ako, parang tingin ko inis na inis sakin si math pero pag kay andrea sobrang sweet niya may pa banat pa siyang nalalaman.. Nakakalungkot tuloy

Sa dami ko ng iniiip ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako..

Kinabukasan..

Pag ka gising ko ay naligo na ko agad at nag ayos dahil may pasok na ulit...

"Math? pupunta kaba mamaya sa birthday nung andrea?" Tanong ni tita kay math

"Yeah" Tipid lang na sabi niya

"Oh keysi kain kana" Nakangiting sabi ni tita, si josh naman ay kumakain na ganun din din si tito, ang ulam ay tuna at itlog grabe favorite ko ang tuna! Lahat naman ata ng pagkain favorite ko maliban sa gulay hahaha!

"Hmm sarap!" Nakangiting sabi ko

"Ako nag luto niyan, thank you" sabi ni tita sakin

"Masarap po talaga kayong mag luto eh" Nakangiti din na sabi ko

Pagkatapos namin mag si kain ay umalis na kami nila math

"Math kamusta tulog?" Tanong ko kay math nung nasa kotse na kami

"Ok lang" Tipid niyang sabi habang naka tingin sa bintana

"Kamusta panaginip mo?" Natawa naman ako sa sarili kong tanong, wala kasi akong ma topic eh gusto ko siyang makausap haha

"Maganda" Tipid lang ulit na sabi niya

"Wow naman, ano bang panaginip mo?" Excited na tanong ko

"Si andrea" Sabi niya sabay tingin sakin

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon