Keysi Mendoza's POV
Muntik pa ko ma late sa school dahil hindi ako nakatulog kagabi dahil kay math!
Nasa room na ko ngayon at biglang nag vibrate ang cellphone ko, tinignan ko naman ito at nakita kong nag text sakin si tita
'Keysi mamayang uwian deretso agad tayo sa star city :)' -tita ganda
'Opo tita :)' reply ko
excited na ko umuwi!
Discuss
Discuss
Discuss
*Lunch break*
Pagkalabas namin sa room ay inakbayan ako ni nathan, ang sama ng tingin sakin ng ibang babae
"Oh" Sabi sakin ni nathan sabay abot ng chocolate! Waahhh ang sweet naman ni nathan!
"Waah thank you nathan!" Masaya kong sabi
"You're welcome pandak" Sabi niya sabay tapik ng ulo ko sinimangutan ko naman siya
"Wow ha! Pag ako tumangkad who you ka sakin!" Pang aasar ko sa kanya..
Nahagip naman ng mata ko si math sa likod namin! Seryoso siyang nakatingin sakin habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa, napatingin din si nathan kay math
"Bilisan natin mag lakad" Bulong ko kay nathan at dumeretso na sa cafeteria..
Nakita naman namin agad si grace na nauna ng nakaupo don
"Grace!!" Masaya kong tawag sakanya
niyakap naman ako ni grace at nakipag apir kay nathan
nakita ko naman si math sa kabilang table at Syempre mag isa lang siya tapos may mga babae pang tingin ng tingin sa kanya
kaya naman tumayo ako at nilapitan ko si math, tinarayan naman ako ng mga fangirls niya pero di ko nalang pinansin
napatingin naman sakin si math
"Math? Don ka sa table namin" Nakangiti kong sabi
bigla naman may nag salita na babae
"Pagkatapos landiin si nathan, kay math naman ngayon! Hays ganda kasi eh! hahaha" Sabi ni.... Andrea!
"Saan banda ang kagandahan niya?! hahaha" sabat naman nung isa sa mga fangirls ni math
"Hindi ko nga mahanap eh" Sabi ni andrea habang natatawa
napayuko nalang ako, ano bang problema ng mga to sakin!
napatingin naman si math sa kanila
tumayo si math at lumipat doon sa table namin
"Wag mo pansinin" Sabi lang sakin ni nathan
"Mga walang magawa sa buhay tsk" Inis na sabi ni grace
napayuko nalang ako, tinignan ko naman si math pero parang wala lang sakanya, kumakain lang siya..
kumain nalang din ako.. Napansin ko namang wala akong tubig, nakalimutan ko palang bumili
"Wait lang ah, bili lang ako tubig" Sabi ko
Tatayo na sana ako pero nagulat ako ng sabay si math at nathan ilagay yung lalagyan nila ng tubig sa harap ko!
napatingin naman ako sa kanilang dalawa, miski si grace ay nagulat din
napatingin si math at nathan sa isa't isa pero seryoso sila
BINABASA MO ANG
I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |
FanfictionNahihirapan din ba kayo sa math? Naranasan niyo na bang mag ka crush? Mag ka crush at umasa... Kasi ako? Oo at ang pangalan pa niya ay math! Hate ko pa naman ang subject na math... Tadhana? Pinag lalaruan mo ba ako? Inspired by: Mischievous kiss 💋