Chapter 45 - The flashback

146 12 0
                                    

Joshua del rosario POV

Hello sainyo siguro naman kilala niyo na ko? Ako lang naman yung nag iisang kapatid ni hyung (math) Hindi maganda ang attitude ko noong una pero sana wag niyo ng balikan pa ang nakaraan hahaha!

Nandito ako ngayon sa kwarto ni noona... Nakita kong tulog na siya naka nga-nga pa nga eh, actually masaya kasama si noona, simpleng babae lang siya... Masayahin, joker, madaling inisin, iyakin, isip bata, pandak, cute... Pero higit sa lahat napaka bait niya, hindi nga lang halata hahaha mas isip bata pa siya sakin.

May mga pangyayari akong ikikwento sainyo na hindi niyo nalalaman at may iilan din akong ibubunyag...

*Flashback*

"I can't, it's really hard argh!" Inis kong sabi habang kinakabisado ko ang formula sa mathematics, yeah mahina din ako sa math pero sa una lang yun maya-maya maiintindihan ko na din siya agad

bumaba muna ako para uminom sana ng tubig pero may nakita akong pamilyar na babae sa baba na tinitignan ang mga picture frames namin, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.. The first time i saw her i thought she's a new maid, but i'm wrong, nakita ko na siya dati sa school namin 8 years old ako that time.. Siya yung babaeng tumulong sakin mag paint sa art ng van gogh theme namin, tinulungan niya ko that time dahil nahihirapan ako, hindi naman ako mahilig sa arts activity lang namin noong araw na yun, lumagpas yung pinipaint ko, naiiyak na ko nun dahil papagalitan na ko ng teacher ko pero biglang may nag salitang babae sa likod

"Pwede ko po bang tulungan yung bata na yun?" Tanong niya sabay turo saakin

"What? You're not allowed to--" Hindi na natuloy ni teacher yung sasabihin dahil naunahan na siya nung babae

"Sige na po please? Wala kasi kaming ginagawa na bo-boring po ako, tsaka tuturo ko lang naman po sakanya, hindi po ako yung gagawa" Pakiusap pa niya

"Okay fine, but don't do anything, just teach him well" Utos pa ni teacher kaya naman ngumiti at tumango yung babae, nakita ko naman ang ID niya nung lumapit siya sakin, she's from lower section..

"Hello, my name is sharon cuneta, robin padilla, erap laki mata, gloria laki nunal, sinong 'di marunong mag basa?" Natatawa pa niyang kanta

Anong pinagsasabi niya?

"I'm josh, and you are?"

"I'm keysi.. Nice to meet you josh" Masaya niyang bati at nakikipag shake hands pa pero hindi ko nalang siya pinansin, inayos ko lang yung materials ko sa arts at nag simulang gumawa ng panibago

"Akina tulungan kita" Sabi pa nung babae at tinulungan niya akong mag ayos ng materials

tinignan ko naman siya, hindi siya ganun kaganda kagaya ng ibang babae dito pero masasabi kong cute siya, hindi din siya ganun ka sexy at katangkad pero sakto lang naman ang pangangatawan niya at hindi naman ganun ka unano medyo lang... Hindi din matangos ang ilong niya sakto lang din.. lahat sa kanya sakto lang

"Uy bakit mo ako tinitignan ha? Crush mo ko noh?" Pang aasar niya pa sakin

"No way" Sabi ko nalang

nahagip naman ng mata ko si hyung na nakatingin samin at sa babaeng nasa tabi ko ngayon, hindi siya naka ngiti hindi palangiti si hyung.. Pero pinag aaralan niya ang kabuuan nung babae, kilala niya kaya? Imposible ayaw niya sa mga lower section masyado daw mga tamad ang mga estudyante dun kaya panakot niya sakin parati ma mag aral ako mabuti pero bakit itong si uhmm noona? Bakit parang hindi naman siya kagaya sa dinidescribe sakin ni hyung?

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon