Keysi Mendoza's POV
Mamaya pa sigurong hapon ang dating nila tita dahil wala pa sila, nasa school na ko ngayon nakatambay ako dito sa labas ng cafeteria habang kumakain ng siomai, hinihintay ko kasi si grace doon sa loob, kaso ang tagal naman niya naiilang ako sa mga estudyante doon dahil karamihan ang sama ng tingin sakin, ewan ko ba.
Absent si nathan ngayon kaya wala tuloy akong kasama, basta nailang kain na ko ng siomai wala pa din si grace, tagal niya talaga kumilos, baka nag susuklay pa yun o pulbo eh palaayos kasi siya, ako kasi hindi.. Ayos na sakin mag suklay pagkatapos maligo tapos buong araw na yun, wala ng suklayan haha
habang kumakain ako ng siomai ay nakita kong dumaan sa harap ko yung tatlong lalaking si-siga siga dito sa school namin, inis talaga ako sa leader nilang mukhang pugo eh kalbo kasi tapos napaka dami pang hikaw.. Dati kasi binangga ako nung malakas nun natapon tuloy yung hawak kong ice cream
Pero nabigla naman ako dahil napatingin sila sakin at lumapit, what the? Anong kailangan nila sakin? Aalis na sana ako pero hinawakan ni pugo yung balikat ko.
"Sandali lang keysi" Nakangising sabi niya
Hala ano bang ginawa ko? Hindi naman ako kinakausap ng mga to dati eh
"A-ano bang k-kelangan mo?" Medyo nauutal na sagot ko
"Pwede ka bang ligawan netong.. Tropa ko?" Pagtatanong niya at pinalapit yung isa niyang kaibigan
"Bakit ako?" Medyo mahinang tanong nung tropa niya sakanya, rinig ko naman yun... Okay, pinagti-tripan ako ng mga to.
"Dalian mo na, para kay andrea to" Pabulong na sabi ni pugo don sa kasama niya..
Aalis na sana ako pero hinawakan niya pa din ako sa balikat
"Hi pwede ba ko manligaw?" Tanong nung lalaki
"Hindi eh, sige una na ko ah" Sabi ko nalang para maka alis na ko dun, akala ko makaka alis na ko pero hinarangan pa din nila ako
"Sayang naman ang cute mo pa naman akala nga namin elementary ka lang eh ang pandak mo kasi at baby face, eh gusto ka daw ligawan netong tropa ko." Sabi ni pugo, aba pinupuri ba ko neto o nang iinsulto?!
"Ah sorry pero wala akong oras makipag lokohan eh" Medyo kalmadong sabi ko
"Aba ang arte mo rin eh noh? Choosy kapa? Feeling mo naman may mag kakagusto pa sayo dito? Bobo na nga panget pa haha!" Medyo malakas na sabi niya kaya naman may ilang estudyante na napatingin samin at yung iba nag bubulungan pa, nakita ko namang nanonood din doon mga fangirls ni math, ano ba to? Wala kasi si nathan eh walang mag tatanggol sakin, binubully na ko dito tulungan niyo ko!
Aalis nalang sana ulit ako pero hinawakan ako ng mahigpit ni pugo kaya naman inis akong tumingin sa kanya
"Ano bang kailangan mo ha?! Bitawan mo nga ako!" Inis na sigaw ko sa kanya
"Aba matapang ka ah?" Maangas na tanong niya
"Bitawan moko" Pakiusap ko sa kanya pero hindi pa din niya ko binitawan
"T*ngina mo ah? Wag moko sinisigawan ah? Baka gusto mo makatikim ng malakas na sapak jan" Maangas pa niyang sabi
"Bitawan mo na kasi ako, nananahimik ako dito bigla bigla kayong lumalapit eh!" Sabi ko pa sa kanya
Kaya naman lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sakin, pinapanood lang kami ng ilang estudyante, ganito ba talaga sa school na to?
"Aray ko!" Inis na sabi ko habang hinihila yung kamay ko sa kanya ang sama lang ng tingin niya sakin
BINABASA MO ANG
I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |
FanfictionNahihirapan din ba kayo sa math? Naranasan niyo na bang mag ka crush? Mag ka crush at umasa... Kasi ako? Oo at ang pangalan pa niya ay math! Hate ko pa naman ang subject na math... Tadhana? Pinag lalaruan mo ba ako? Inspired by: Mischievous kiss 💋