Chapter 25: Meet the Asthian

45 0 0
                                    

A/n: Dun po sa Chapter 24, yung Zanka no Tachi po ay galing sa anime na Bleach yun po yung sword ni Ichigo. s
Sinabi ko lang po baka kasi magtaka kayo kung saan ko nakuha. Credits to the creators of Bleach. And ito na nga po ulit yung nabura na part hahaha hirap magtype. By the way, highway malapit na ang giyera guys so stay tune here's the update.

- Ms. Riye

Third Person's POV

Lumabas na nga sa office ng HM ang  royalties at bakas sa mukha nila ang inis, galit sa sarili at pagkabahala; inis at galit sa sarili dahil iniisip nila kung bakit di nila nahalata yon at paano nila nagawa yon sa kaibigan nila. Hindi man lang nila nakuhang magpigil kahit papano lalo na at di naman totoong dwelo iyon at isa lamang iyong pagsusulit. Isa pa ay nababahala rin sila para sa seguridad ng lahat dahil sa pagkalat ng balita na natunton na sila ng Asthian.

Nagulantang ang lahat ng makarinig ng sigaw galing sa ibang mga Encantist na di magkamayaw kung saan pupunta. Ang iba ay nanginginig pa sa takot at puno ng pangamba ang mga mukha.

"UMALIS NA KAYO RITO! ANDITO NA SILA! UMALIS NA KAYO!"

"Andito na sila, sabi ko na nga ba darating ang araw na to" saad ni Dara at bakas ang takot sa mukha niya. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay.

Nang mapansin yon ni Mixi ay hinawakan niya ito sa kamay kaya napatingin si Dara sakanya. Nginitian lang siya ni Mixi na animo'y sinasabi na magiging ayos lang ang lahat at iyon di ang naisip niyang paraan para pakalmahin si Dara.

"Simula nong dumating ang transferee na yan nagkagulo-gulo na at ngayon nalaman na ng Asthian na hindi talaga nawala sa magic world ang Encantasia dahil sakanya" pag-aakusa ni Amethyst.

"You don't have the right to say that to her, Amethyst. You don't know anything about her and teka lang ha may nagawa ka na ba para sa Encantasia, for our academy? Siguro sa misyon pero dahil yon sakanya, kay Sky. Wala kang utang na loob kung hindi niya tayo tinulungan na makalabas doon sa dimension na puro legendary monster ang nakatira makakabalik ka pa ba ha?! Kaya di mo masasabi na siya ang dahilan ng lahat dahil kung ako ang magsasabi kung sino ang problema dito? Ikaw na yon dahil wala kang ibang ginawa kundi ang magreklamo at manisi ng ibang tao!" sigaw ni Mixi.

Nanginginig ito sa galit habang nakatingin kay Amethyst. Wala namang nagawa ang iba nilang kasama dahil totoo naman na utang na loob nila kay Sky ang buhay nila, yet they're the ones who hurt her the most.

Napayuko si Amethyst dahil sa sinabi ni Mixi.

'Tama naman siya eh wala akong magandang ginawa sa grupo na to puro Sky lagi. Tinulungan niya kami, kahit inaaway ko siya or sinusungitan lagi. Naiinggit lang naman kasi ako eh maraming nagmamahal sakanya, may kaibigan na handang magtanggol samntalang sakin ay wala. Wag kayong mag-alala babawi ako sainyo at sa grupong ito' isip ni Amethyst.

Napansin ni Xenon ang pagtahimik ni Amethyst kaya tinapik niya na lang ito sa balikat kaya napatingin sakanya ang babae. Nginitian niya na lamang ito. Bahagya namang kumalma ang sistema ni Amethyst.

Encantasia:The Lost Kingdom Of Magic (Still Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon