Chapter 4: Training

87 2 0
                                    

Dara's POV

Maaga kaming nagising at ito nga kasalukuyan naming pinapalibutan si Sky. Bilin kasi ni HM na samin na siya sasama. Kaklase namin siya. Tutal ito na lang ang bakante sa royalty na dorm dito siya samin ipinasama.

At eto nga hanggang ngayon tulog pa din siya. Natutuwa ako sakanya nung nandon pa kami sa mundo ng mga tao kaya nilapitan ko siya. Kakaiba kasi aura niya eh. Di ko naman akalain na siya pala ang pamangkin ni HM. Don kasi sa human world kahit sinasabihan siya ng kung ano ano wala siyang pakialam. Di niya pinapatulan kaya lalong naiinis ang mga bully sakanya. Dapat nga mission ko inaasikaso ko kaso talagang I was drawn to her aura hehe. Parang may authority yung aura niya ganon siya ka-intimidating. Nahirapan nga akong iapproach siya eh kasi nga lagi din siyang umaalis pag maraming tao. I always saw her there. Di rin siya nakiki-interact sa kahit sino. Wala siyang kaibigan. Ang hinangaan ko sakanya ay yung tibay ng loob niya sa lahat ng pagsubok.

Namiss ko lang yung mga araw ko sa human world na si Sky ang sinusundan ko lagi hihi. Wag kayo maingay ah baka pagalitan ako. I still did my mission though pag nagpapahinga ako tsaka ko sinusundan si Sky.

"Miss sleepy head gising na" sabi ko.

Dakila din siyang mahilig matulog kahit nung nasa human world kami. Tulog yan lagi sa garden.

Grabe talaga matulog tong si Sky tulog mantika eh.

"Ano di pa ba gising si Sky?" Mixi asked.

Galing siya sa kwarto niya.

"Tss sleepy head nga" Ryle said.

"Himala at nagsalita ka, kahapon ka pang tahimik eh" sabi ko.

Ang totoo niyan tahimik talaga yang si Ryle. Bibihira magsalita. Sinabi ko lang yon para asarin siya hahaha.

"Tss."

"Tabi kayo ako ang gigising diyan, tabi, tabi" mayabang na saad ni Devon at ipinagtulakan kami paalis sa tabi ni Sky.

Bwisit na lalaki to ah. Ewan ko lang kung magising niya si Sky eh kahit siguro halikan na to di pa magigising eh. Tingnan natin.

Skyler's POV

"Sky bangon na kundi hahalikan kita" rinig kong sabi ng isang lalaki.

I was half asleep nang makarinig ako ng isang malutong na ingay na hindi ko alam kung ano. Bahagyang napakunot ang aking noo.

Ang ingay naman. Kitang may natutulog eh.

"Araay anong problema mo ha Ziro?" inis na tanong ng kung sino.

"Tss."

Makabangon na nga ang ingay nakng tokwa.

"What are you doing?" tanong ko kasi ang lapit ng mukha ni Devon sakin nung pagmulat ko ng mga mata ko.

"Ah.......eh ......kasi.....Sky ano eh........may t-training na t-tayo ngayon" utal utal na sagot ni Devon.

"Sleepy head" Ziro said siya yung light blue ang kulay ng buhok.

Tiningnan ko siya ng blangko as usual.

"Bumangon ka na malelate na tayo sleepy head"

Encantasia:The Lost Kingdom Of Magic (Still Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon