Chapter 32: Her Secret

36 1 0
                                    

Hildigard's Pov

Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Sally sa loob ng throne room dahil alam kong dito lang walang maglalakas ng loob na pumasok. Nakatingin ng mataimtim sakin si Sally at may bahid ng pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Sigurado ka bang i-re-reveal mo nang siya si Ceana?" nag-aalangang tanong niya.

"Oo, Sally"

Hindi siya makapaniwala sa aking sinabi kahit na matagal ko na itong naulit sakaniya.

"Hildy, alam mong delikado para sakaniya ang gagawin mong 'yon"

"Pero 'yun ang katotohanan, Sally . Hindi naman natin pwedeng itago ang katotohanan habang buhay na siya si Ceana, hindi ba? Malalaman at malalaman din nila"

Alam kong mahirap ang magiging desisyon ko pero ito ang sa tingin ko ay tama. Hindi ko na kayang itago pa ang lahat ng ito sakaniya dahil karapatan niya ring malaman ito.

"Oo alam ko, Hildy. Pero 'wag muna ngayon. Hindi pa ngayon ang tamang oras" pagpigil niya sakin.

"Eh kelan, Sally? Kung kailan huli na ang lahat? Gano'n ba?"

"Hindi sa gano'n Hildy al----"

Pinutol ko na ang kaniyang sasabihin.

"Oo, alam ko, Sally. Natatakot din ako sa mangyayari pero para sa ikabubuti niya 'yon itinuring ko na rin siyang pamilya kaya kahit mahirap, mas mahalagang malaman na ng tunay niyang magulang at maging siya na rin kung sino talaga siya" pag-papaintindi ko sakanya.

"Pero 'di ba alam ng lahat na pamangkin mo siya at anak siya ni Duchess Caroline?"

"Oo, alam ko Sally pero final na 'yon"

"Kung 'yan ang gusto mo susuportahan kita" pagsuko niya.

"Salamat"

"Alam kong kaya mo 'yan. Pag-isipan mong mabuti"

Napabuntong hininga na lamang ako sakaniyang sinabi.

"Sige palalagpasin ko muna siguro ngayon dahil magulo pa"

Encantasia:The Lost Kingdom Of Magic (Still Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon