Chapter 33: Lord Dimithry

31 0 0
                                    

Dimithry's Pov

"My Lord may masama po akong balita,"

Agad na napaangat ang tingin ko nang sabihin 'yon ng aking mensahero.

"Sa kasamaang palad po, ang prinsipe,"

Nahampas ko ng malakas ang lamesa sa harapan ko sa kadahilanang nabibitin ako sa sinasabi niya. Nagulat naman ito at nag-umpisang mangatal.

"Huwag mo akong binibitin, Yezuo. Ano ang tungkol sa aking anak?!"

Napayuko ito at mababakas ang takot sa kaniyang mukha.

'Merda!'

"Magsasalita ka ba o manginginig ka na lang riyan? Baka gusto mong matuluyan ka nang hindi magsalita?" banta ko.

"A-ang prinsipe po, ang anak niyo b-binawian po siya ng buhay sa..sa.. kalagitnaan ng pakikipaglaban nito sa Encantasia hi-hindi pa rin po namin matukoy kung sino ang may gawa no'n sakaniya" utal utal niyang saad habang nakayuko at nakaluhod na nag-uulat.

Agad nandilim ang paningin ko sa sinabi niyang iyon. Nagulat siya ng bigla akong nag-teleport sa harap niya at sinakal siya patayo at bahagya siyang inangat sa ere.

"Inutil! Huwag na huwag mo akong pinaglololoko, Yezuo. Hindi ako nakikipagbiruan" madiin na saad ko sakaniya at bahagya pa itong sinakal. Napaubo ubo siya at hinawakan ang kamay ko at tinapik tapik ito.

"N-nagsasabi po ako ng totoo, k-kamahalan"

Agad ko siyang binitawan. Napahawak siya sa nangingitim niyang leeg. Napabagsak siya sa lupa ng paluhod at umubo ubo pa. Nangangatal naman akong tumalikod sakaniya.

"Lumayas ka sa harap ko. Ngayon din!"

"O-opo"

Narinig ko pa ang pagtakbo niya at ang pagsara ng pintuan ng bulwagan. Agad kong nahampas ang lamesa na naging dahilan upang magliyab at mahati ito sa gitna. Nagpupuyos ako sa sobrang galit.

'Sinong walang hiya ang gumawa noon sa pinakamamahal kong anak?!'

Matagal na panahon ko na ring hinahanap si Trevor tapos ito ang mababalitaan ko? Na binawian siya ng buhay sa Encantasia? Ang kaharian na iyon. Sisiguraduhin kong MAGBABAYAD SILA!!

Siguraduhin mong totoo ang iyong sinabi, Yezuo kung hindi buhay mo ang kukunin ko.

"Sinong tao riyan?!"

"A-ako po, kamahalan"

"Sabihan mo si Rione na ihanda ang mga kawal"

"Masusunod po"

Bibisitahin natin ang matagal ng nakatagong kingdom na iyon.

Encantasia:The Lost Kingdom Of Magic (Still Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon