Chapter 22: Worried

46 1 0
                                    

Xenon's POV

"Ahh" daing naming lahat.

What the fvck? Paano siya nakalampas sa death circle namin? 

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na halos walang nangyari sa atake naming lahat sa kalaban namin. Nahati lang ang isang bahagi ng maskara niya at bahagya lang siyang napaatras. Ibang klase siya. Ni hindi man lang siya tumilapon.

To tell you honestly sobrang sakit ng impact ng atake niya kahit sa totoo lang ay halos ibinalik lang niya samin ang atake namin.

Shit lang hindi na ko makatayo. Napalingon ako sa iba at maging sila ay halos hindi na makatayo. Isa na lang ang halos nakatayo samin at si Ziro yon. Bakas sakanya ang sakit na natamo ng tumama siya sa puno na nagresulta para mahirapan siyang huminga dahil sakanyang armor na nayupi sa malakas na impact pero dahil siguro sa sobrng sakit at natamong galos dahil sa mga espada ni Dara na tumama samin ay bumagsak ulit siya.

In just one move napatumba niya kaming lahat magaling siya. Kaya siguro siya inilaban samin.

I want to meet that Rei. Unang beses na natalo kaming lahat. Napatitig ako sa mata niya. Kita kasi yon dahil natanggal nga ang maskara niya sa bahaging iyon ng mukha niya.  Her eyes is blue, a dark one. Kahit nanlalabo ang paningin ko nakikita ko ang kawalang emosyon niya. Napakalamig ng titig niya. Kung tumitig siya ay animo'y wala siyang iniindang sakit. Hindi mababakasan ng sakit ang mga mata niya o baka di niya lang pinapahalata. Marami siyang galos. Mula ulo hanggang paa at tumutulo pa ang mga dugo niya galing sa mga natamong sugat. Malamang dahil don kaya bumagsak siya isama na rin siguro ang panghihina ng buong katawan niya dahil sa sakit at pagod.  Kita ko rito ang panginginig ng buong katawan niya dahil nakatukod siya sakanyang espada kanina. Rinig na rinig rin ang lakas ng tunog ng paglaglag ng espada at katawan niya sa sahig ng arena. 
Agad naman siyang dinaluhan ni HM. Dali dali ring nagsilapitan ang mga healer samin. Ito na ata ang di ko makakalimutan na duel sa buong buhay ko.

Third Person's POV

Hindi makapaniwala ang mga manunuod sa kanilang nasaksihan.  Maging ang council at ang haring nanunuod ay napatayo sakanilang kinauupuan dahil sa death circle.  Inaasahan nila na hindi ito kakayanin ni Rei pero nagulat sila at the same time namangha dahil sa pamamagitan ng pagnullify nito ay napabagsak niya ang mga royalties ng sabay sabay. Isa pa sa napansin nila ang kakaibang aura nito sobrang lakas. Iba pa yung cold na aura nito. Kita rin nila ang panghihina ni Rei dahil sa mga pasa, at malalim na sugat na natamo nito sa laban. Sirang sira na rin ang cloak nito at ang ilang bahagi ng armor niya ay nangalas na rin.

Ang kaninang nakaupo na si Hildigard ay mabilis na napababa ng nakita niyang bumagsak si Rei. Agad siyang nagpatawag ng mga healer para dalhin don sa infimary ang walang malay na katawan nito at para madala rin ang royalties.

'Sabi ko na nga ba na mali ito eh. Sana di na nangyari to kung napigilan ko lang ang Headmaster at kung may nagawa ako' yan ang nasa isip ni Hildigard sa mga oras na yon.

Sa kabilang banda naman ay di pa rin naaalis ang tingin ng hari sa paalis na katawan ni Rei.

'Iba ang nararamdaman ko sa batang yon. Sino siya?' Yan ang nasa isip ng hari noon .

Encantasia:The Lost Kingdom Of Magic (Still Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon