Chapter 26: Danger

34 0 0
                                    

Third Person's POV

Nakarating sa mahal na hari ang kaguluhang nangyayari sa akademya sa pamamagitan ng sulat na binigay ni Feiro na nanggaling kay Hildigard,  isa siyang animagus na kaibigan ni Hildigard. Animagus ay ang tao na kayang magkatawang hayop. Si Feiro ay isang encantist na nagiging leon. 

Matapos basahin ang sulat ay agad na nagpagdala ang hari ng iba pang kawal. Kinausap rin niya ang mga guardian na mga nymphs sa Elexid forest para bantayan ang mga estudyante. Kasama ng mga giants at werewolves na kaibigan ng Encantasia. Ang pack nina Feiro ay nakahanda na rin. Ang mga portkey na gagamitin ng mga estudyante paalis ng Encantasia ay naihanda na, maging ang mga hippogriff na sasakyan ng mga wizard at witches ng Encantasia.

Sa di inaasahan ay may mas masamang balita pa palang dala ang isang kawal para sa mahal na hari.

"Mahal na hari, ang Eye of Vexus po ay nawawala" ulat ng kawal.

Napatayo ang kamahalan sa kanyang narinig.

"Hindi maaari. Kaya pala may nakapasok ng Asthian dito. Hanapin niyo agad ang mata ni Vexus ngayon na! Papuntahin niyo na rin ang royalties dito. Sunduin sila sa Elexid Forest gamitin niyo ang lihim na lagusan" utos ng hari.

"Masusunod po, kamahalan"

'Paanong nangyari na nawala ang Eye of Vexus?' - isip ni King Roland.

Makailang minuto pa ay nag anunsyo na ulit ang bantay sa labas ng silid ng hari.

"Kamahalan, andito na po ang royalties"

Pumasok na nga ang mga royalties at nagsiyukuan sila sa mahal na hari.

"Kamahalan" sabay sabay na sabi ng royalties.

Hindi pa man nababati ng hari pabalik ang mga royalties ay may taga ulat naman na natataranta ang biglang dumating.

"Mahal na hari ang mga nakapasok pong Asthian sa barrier ay nanggugulo na po sa buong kaharian" natatarantang sabi ng taga-ulat.

Natigilan ang mahal na hari sa inulat ng kanyang kawal. Napatahimik ito na parang nagiisip ng paraan. Nagkatinginan ang mga royalties dahil ngayon pa lang ay nakikita nila ang hirap at bigat ng responsibilidad ng hari ng Encantasia. Hindi nito ipinahalata sakanila na nahihirapan siyang magdesisyon kahit sa loob loob nito ay natatakot siya para sa kapanakanan ng lahat at naguguluhan dahil sa sunod sunod na pangyayari dahil ang buong akala niya ay ang akademya lamang ang puntirya ng mga ito ngunit siya ay nagkamali. Nang tila nakaisip na ito ng gagawin ay humarap ito sakanilang lahat na nasa silid. Nakatalikod kasi siya dahil nagiisip siya ng plano kanina.

"MAGHANDA KAYONG LAHAT! Royal Elementalist kayo ang bahala sa mga Asthian witch at dark elementalist katulad niyo kasama niyo ang mga pinatawag kong witches and wizards, mga kawal kayo ang bahala sa mga shapeshifters at alertuhin sina Feiro para sumama sainyo sa pagsugod. Pag-igihin ang seguridad ng lahat. Wag niyo ring hahayaan ang kahit isang Asthian na makatungtong sa loob ng palasyo. Kami na ang bahala kay Trevor"

"Masusunod po, mahal na hari" sabay sabay nilang sabi.

Agad na tinanggal ng mahal na hari ang takip na tela sakanyang baluti na nasa gilid lamang ng kanyang silid at ito ay kanyang kinuha. Kasalukuyang nagsusuot ng baluti ang hari ng mag-anunsyo ang bantay kaya't napatigil sa paglabas ang royalties at ang mga pinunong kawal.

Encantasia:The Lost Kingdom Of Magic (Still Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon