Sa Pagsikat Ng Araw

100 6 3
                                    

Sa pagsikat ng araw
Ako'y hindi matatanaw
Hanggang sa langit maging bughaw
Aking anino, walang makakatanglaw

Sa pagsikat ng araw
Ako'y hindi mo na maisasayaw
Hindi mo na ako makikita
Sa mundong lagi kong sinasalita

Sa pagsikat ng araw
Ang matitira lang ay ang aking hikaw
Ano na kayang lagay ko?
Sugatan? Nabalian? O baka naman, naging abo

Sa pagsikat ng araw
Wala na akong masasaklaw
Dahil bago pa man ang araw ay sumikat
Ako na ay namaalam sa inyong lahat

Life Poem CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon