Patawad

24 5 0
                                    

Lagi akong napapa isip
Pano kaya pag tuluyan na 'kong umidlip
Tuluyan na bang magiging maayos ang lahat
O baka mas lumala pa ang lahat

Mawawala't matataps na ba ang sakit na nadarama
O maipapasa lang sa mga tunay na saki'y umaalala
Kung ganon, patawarin niyo ako
Sapagkat sa tingin ko ay wala nang daan tungo sa pagbabago

Lingid sa kaalaman ko
Na saakin ay may nagmamahal at umaasikaso
Ngunit patawad kung sa akin ay mas nangingibabaw
Mga humihila sakin pababa hanggang sa hindi ko na masilayan ang pagsikat ng araw

Patawad muli kung hindi ko na kinaya
Ilang araw, linggo at buwan ko nang sinusubukan maging masaya
Ngunit hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba ako
Marahil ay kinakain na ako ng kadiliman na siyang natatanging kakampi ko

Life Poem CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon