Sa pagbitaw mo sa aking mga kamay
Alam kong sa puso, ako lang ang nag-alay
Gabing ika'y huling nasilayan
Sa mga mata mo, wala akong nakitang kasinungalinganSinisigaw ng iyong mga mata
Na ang pag-iwan sa akin ay nararapat na
Sapagkat alam kong sawa ka na
Dahil sa tingin mo pinaglaruan lang kitaNais kong malaman mo
Na hindi iyon ang intensiyon ko
Gabing ika'y tinawag ng dalwang beses
Sa totoo niyan, gusto ko lamang pakinggan ang iyong bosesMarahil hindi mo talaga alam
Ang tunay na kahulugan ng aking mga liham
Ito man ay galing sa nakaraan
Ngunit ngayon, ang nais ko ay iyong maunawaanBinibining ito'y sumapit sa malubhang karamdaman
Na ni isang nasa kanyang paligid walang nakaka alam
Unang pumasok sa isipan niya'y ikaw
Sapagkat sa ganitong sitwasiyon, sigaw ng puso niya'y ikawGabing akala mo ika'y pinaglaruan
Dahil ilang beses kang pinatawag upang pagdramahan
Ngunit sa totoo niyan isa lang ang kaniyang ninanais
Ang yakapin ka ng mahigpit na siyang hindi niya nagawa ng labis