Hindi ko maunawaan
Kung bakit ako ay iyong iniwan
Ako ba ay nagkulang?
Sabihin mo sa akin kung saanNung una, takot na takot ako
Takot na mahulog sa iyo
Sapagkat ang aking kasiyahan
Ay may kapalit na kalungkutanNgunit gaya ng sabi nila
Sumabay lang sa daloy ng musika
Kaya aking hinayaan ang puso
Na tuluyan nang mahulog sa iyoPero sa huli, ako parin ang talo
Sapagkat ang akala ko, sa akin ay may sasalo
Akala ko sapat na ako at aking pagkatao ay tanggap mo
Ngunit mali ako dahil sa huli, ibabasura mo lang pala ako